SPEECH
OF VICE PRESIDENT NOLI DE CASTRO
TUCP 30th
anniversary
14 December 2005, 9:00 AM
Magandang umaga sa
inyong lahat.
Ako ay nagpapasalamat
sa Trade Union Congress of the
Philippines or TUCP, sa pamumuno ni
Ginoong Democrito Mendoza, sa pag-imbita ninyo sa akin upang ibahagi
ang ating mga programang pabahay. Nais ko ring ipaabot sa pamunuan
ng TUCP at sa mga kasapi ninyo
ang aking mainit na pagbati sa ika-30
taong anibersaryo ng inyong organisasyon.
I would also like to
extend my greetings to the other major social partners of the TUCP
who are here to celebrate with you --- such as the Department Of Labor and Employment,
the International Labor Organization,
the Social Security System, the International Confederation of Free Trade
Union, and the Employers
Confederation of the Philippines.
Maganda ang napili
ninyong tema sa pagdiriwang na ito: “Ensuring Decent Work Principles
in National Policies on Jobs and Wages, Social Security,
and Housing.” Kaisa ninyo ako sa inyong mga adhikain para sa
mga manggagawa, at maasahan ninyo na palagi kong isasa-alang-alang
ang inyong kapakanan. Rest assured, that I am one with you in your
goals to promote the welfare of our workers and I will always be
supportive of policies and programs that will benefit our workers.
Ang Papel ng
Samahang Paggawa
Sa isang demokratikong
lipunan, merong malaking papel ang organisasyon ng mga batayang
sektor, tulad ng paggawa. basic sectors, like the workers sector,
play a significant role in the development of a democratic society
such as ours.
Kayo ang tagapagbantay
sa kapakanan ng inyong mga miyembro, at pati na rin ng ibang
manggagawa.
Maaring isalarawan ang
ating lipunan bilang isang sistemang merong iba’t-ibang interes, na
isinusulong sa pamamagitan ng mga grupong kumakatawan dito. Kung
minsan, nagiging maigting ang pagsasalpukan ng mga interes. Kung
minsan naman, nagkakaroon ng pagsasamang-puwersa upang isulong ang
isang panukalang makatutulong sa lahat.
Ngayon po ay panahon
upang magsama-sama tayo, at pagtulungan nating palakasin ang ating
bansa. Kung meron man tayong pagkakaiba ng pananaw sa ilang isyung
pambansa, huwag nating kalilimutan na ang tunay na ka-kumpetensiya
natin ay ang ating mga kapit-bansa na agresibong isinusulong ang
kanilang pag-unlad. It is only in being united as a nation that we
will be able to achieve economic stability and progress to stand at
par with the rapidly growing economies of our neighbors.
Sayang naman. Sa galing
at talino nating mga pilipino, malayong malayo ang ating mararating.
Kaya naman ang mga
samahang paggawa ay matibay na haligi ng ating demokrasya.
Sa pamamagitan ng
inyong pakikilahok sa iba’t-ibang usaping may kinalaman sa ating
bansa, nakakatulong at nakakapag-gabay kayo sa ating pamahalaan.
Mahalagang sektor ang
inyong kinakatawan, at palaging handa ang gobyernong makinig sa inyo.
nguni’t huwag din naman sana ninyong kalimutan na hindi lang ang
inyong miyembro ang umaasa sa inyo, kundi pati na rin ang ibang
mamamayan na maaapektuhan din ng anumang paglago o paghina ng
ekonomiya.
Ang Programang Pabahay
Kami po sa Housing
and
Urban Development Coordinating Council ay nagsusumikap din upang
mabigyan kayo ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng
pabahay.
UNA, SINIKAP NATING
BUMUO NG ISANG “INVESTMENT FRIENDLY BUSINESS ENVIRONMENT” SA
SEKTOR NG PABAHAY. NAGBIGAY TAYO NG MGA INCENTIVES SA DEVELOPERS
UPANG MAGING ABOT-KAYA ANG MGA HOUSING UNITS NA IBINEBENTA sa inyo.
NAGHANAP TAYO NG PARAAN UPANG MABAWASAN ANG GASTUSIN ng mga
developers, SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPABABA NG BAYARANG BUWIS AT NG MGA
TRANSFER AT MORTGAGE-RELATED FEES. Ang epekto: mas murang housing
units para sa inyo.
KASABAY NG MGA
AKSIYONG ITO, PATULOY DIN ANG pag-revise NG HOME GUARANTY CORPORATION
O HGC SA MGA GUARANTY PROGRAMS SA SEKTOR NG PABAHAY.
IKALAWA, ISINULONG
NATIN ANG PAGPAPALAKAS SA KAPASIDAD NG MGA HOUSING AGENCIES UPANG
HIGIT NAMING MAGAMPANAN ANG AMING TUNGKULIN. we continue to enhance
the capacity of the shelter agencies to serve you better and faster.
ITO ANG ILAN SA MGA
HAKBANG NA AKING TINUTUKAN NITONG MGA NAKARAANG BUWAN: ORGANIZATIONAL
RESTRUCTURING AND STREAMLINING, increased COLLECTION EFFICIENCY in
HOUSING LOANS, rehabilitation of NON-PERFORMING PROJECTS, disposition
of NON-PERFORMING LOANS, and TRANSPARENCY in the transactions of the
HOUSING AGENCIES.
HINDI PO
MADALING
MAGSULONG NG PAGBABAGO SA MGA AHENSIYA NG PAMAHALAAN. I realized
that it is not an easy job to push for reforms in the housing sector.
KAYA NAMAN PATULOY KO RING HINIHINGI ANG INYONG SUPORTA SA ATING MGA
REPORMA. I call on you to remain vigilant and I am here to listen
to your concerns.
IKATLO,
BINIGYANG-PANSIN DIN NATIN ANG PANGANGAILANGAN NG INFORMAL SECTOR AT
ANG PAG-DECONGEST SA METRO MANILA.
INUNA NATIN ANG
PAGBIBIGAY NG PABAHAY SA MGA INFORMAL SETTLERS NA NASA DANGER ZONES,
TULAD NG MGA ESTERO AT TABING-ILOG, AT NASA RIGHT-OF-WAY NG MGA
INFRASTRUCTURE PROJECTS NG GOBYERNO.
ISA SA MGA PRIORITY
PROJECTS SA HOUSING SECTOR ANG PAGLILIPAT NG MGA NANINIRAHAN SA LINYA
NG NORTHRAIL. KAILANGAN PONG GAWIN ITO UPANG MABUHAY NA MULI ANG
RILES NG TREN PATUNGONG NORTE, NA MAGIGING DAAN NAMAN UPANG MAPAUNLAD
ANG MANILA-CLARK-SUBIC TRIANGLE. MAKAKATULONG ANG PAGKAKAROON NG MGA
BAGONG DEVELOPMENT FOCAL POINTS SA GITNANG LUZON SA PAGBABAWAS NG
CONGESTION DITO SA KALAKHANG MAYNILA.
SA HUDCC PO iniatas ANG
RELOCATION NG MGA INFORMAL SETTLERS SA NORTHRAIL. AT BILANG HUDCC
CHAIRMAN, sinikap kong gawing MODEL RELOCATION PROJECT ang mga
Northville communities. I am inspired with what we have accomplished
in relocating families from the northrail. more than the development
goals that the train rehabilitation will accomplish, I am determined
to ensure that our relocatees will be able to start a new and secure
life in a community they can now truly call their own. To date, we
have relocated some 19,000 families in a record time of ten months –
the biggest urban renewal project in the history of government as the
president puts it. For me, this is not the end. My work in building
real communities is just starting, and I call on you for support. Hindi
naman lingid sa ating kaalaman na karamihan sa ating
beneficiaries ay kasama sa hanay ng mangagawa.
KAUGNAY NG ATING
PROGRAMA PARA SA INFORMAL SETTLERS, PATULOY DIN ANG HUDCC SA
PAGHAHANAP NG MGA PARAAN UPANG MATUGUNAN ANG PANGANGAILANGAN NG MGA
MAHIHIRAP PARA SA SEGURIDAD SA PANINIRAHAN.
SA PAMAMAGITAN NG
PRESIDENTIAL PROCLAMATIONS, NAGAGAMIT NATIN ANG MGA LUPANG PAG-AARI
NG GOBYERNO PARA SA LOW-COST HOUSING. PATULOY DIN ANG IBA’T-IBANG
PARAAN NG PAGBIBIGAY NG KATIYAKAN SA PANINIRAHAN, TULAD NG PUBLIC
RENTAL, LEASE PURCHASE, SHARED OWNERSHIP, RENT-TO-OWN, AND LONG-TERM
LEASE.
NAGING MAHIGPIT ANG
ATING PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBA’T-IBANG SEKTOR UPANG ITAGUYOD ANG
MULTI-STAKEHOLDER AT COST-EFFECTIVE PROGRAMS TULAD NG GAWAD KALINGA
AT HABITAT FOR HUMANITY.
AT IKA-APAT,
TINULUNGAN NATIN ANG MGA LOCAL GOVERNMENT UNITS UPANG MAIPATUPAD NILA
NANG MAAYOS ANG KANILANG PROGRAMANG PABAHAY.
SINUPORTAHAN NATIN ANG
PAGTATATAG NG MGA LOCAL HOUSING BOARDS SA BAWA’T LUNGSOD AT BAYAN.
PINABILIS NATIN ANG
PAGBIBIGAY NG MGA PERMITS AT IBA PANG HOUSING LICENSES.
ISINULONG DIN NATIN ANG
DECENTRALIZATION AT DEVOLUTION. NANINIWALA PO AKO NA DAPAT BIGYAN NG
HIGIT NA KAPANGYARIHAN, RESPONSIBILIDAD, AT ACCOUNTABILITY ANG MGA
LGUS SA URBAN DEVELOPMENT AT SA PAGPA-PLANO AT PAGPAPATUPAD NG MGA
HOUSING PROGrAMS.
Pagsulong sa Kaunlaran
Sa mga darating na
araw, inaasahan ko na kayong mga taga-TUCP ay mananatiling kabalikat
ng iba pang sektor ng lipunan upang mapa-unlad natin ang ating bansa.
Magkaisa po tayo,
hindi para sa ating sarili, kundi para sa mga susunod pang
henerasyon. para sa kanila, itaguyod natin ang isang maunlad at
maayos na pilipinas.
Magandang umaga sa
inyong lahat, at Advanced
Merry Christmas to all! Salamat
po!
©
Copyright
2005
Office of the Vice President (OVP)
Management Information Services
Division (MISD). All rights reserved.
|