star Kabayan Noli De Castro OVP
Press Release
Speeches
Photo Gallery
Back to home page

OVP email


V Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC)

V National Anti-Poverty Commission (NAPC)

V www.senate.gov.ph


V www.kabayannoli.com

































Kabayan Forum
Speeches



SPEECH OF VICE PRESIDENT NOLI DE CASTRO

PHILCONSTRUCT 2005

WORLD TRADE CENTER, PASAY CITY

10 NOVEMBER 2005




LADIES AND GENTLEMEN, GOOD MORNING.


I WOULD LIKE TO THANK THE OFFICERS AND MEMBERS OF THE PHILIPPINE CONSTRUCTORS ASSOCIATION, INC. AND THE ORGANIZERS OF PHILCONSTRUCT 2005 FOR INVITING ME TO THE OPENING OF THIS TRADE SHOW.


ANG SEKTOR NG PABAHAY, NA SIYANG AKING KINABIBILANGAN, AY BAHAGI NG CONSTRUCTION INDUSTRY, AT NAGAGALAK AKONG MAGING KINATAWAN NG GOBYERNO SA PAGBUBUKAS NITONG ISANG MALAKING KAGANAPAN PARA SA ATING INDUSTRIYA.


THIS IS THE 15TH YEAR OF PHILCONSTRUCT. THIS IS ALSO A CELEBRATION OF YOUR GREAT CONTRIBUTION TO THE CONSTRUCTION INDUSTRY. INDEED, IN THE LAST FIFTEEN YEARS, THE CONSTRUCTION OF BUILDINGS AND INFRASTRUCTURE PROJECTS HAS CHANGED OUR CITIES AND OUR URBAN LANDSCAPE.


DIYAN LANG SA KAHABAAN NG EDSA, MALAKI NA ANG PINAGBAGO. FIFTEEN YEARS AGO, WALA PA ANG MGA NAGTATAASANG CONDOMINIUMS AT BUILDINGS, MGA NAGLALAKIHANG SHOPPING MALLS, MGA FLYOVERS AT ANG MRT NA NGAYON AY BAHAGI NA NG ARAW-ARAW NA TANAWIN SA METRO MANILA.


PHILIPPINE CONSTRUCTION HAS TRULY GONE A LONG WAY.


AND YET, THE CULTURE OF CRUDE, DO-IT-YOURSELF CONSTRUCTION STILL EXISTS AMONG OUR LESS-FORTUNATE KABABAYANS.


ANG TINUTUKOY KO PO AY ANG MGA TINATAWAG NATING INFORMAL SETTLERS NA NAGTATAYO NG KANILANG BAHAY SA MGA LUGAR NA HINDI NAMAN NABABAGAY TIRHAN. GAMIT ANG MATERYALES NA MAKUKUHA NILA SA TABI-TABI. SUCH IS THE LANDSCAPE OF POVERTY HOUSING.


SILA PO YUNG NAGTATAYO NG MGA BARUNG-BARONG SA MGA GILID NG RILES, SA MGA ESTERO, SA ILALIM NA TULAY AT IBA PANG LUGAR NA HINDI NILA PAG-AARI.


THEIRS IS THE KIND OF CONSTRUCTION DICTATED BY NECESSITY, DESPERATION AND LIMITED MEANS.


ITO PO ANG GUSTO NATING ALISIN. PINAGSISIKAPAN NATING MALUTAS ANG MALAKING PROBLEMA NG PABAHAY SA BANSA, UPANG WALA NANG MGA PAMILYANG KAILANGAN PANG MAGTAYO NG BARUNG-BARONG SA MGA LUGAR NA WALANG SANITASYON, TUBIG, MAAYOS NA DAAN AT IBA PANG MGA KINAKAILANGAN PARA SA MAKATAONG PAMUMUHAY.


KAYA NAPAKAHALAGA NG ISANG MATIBAY, EPEKTIBO AT SUSTAINABLE NA PROGRAMA SA PABAHAY UPANG MABIGYAN NG SEGURIDAD SA PANINIRAHAN AT MAAYOS NA BAHAY ANG MGA PAMILYANG ITO.


HOUSING STRATEGIES


NAKAPALOOB SA MEDIUM TERM PHILIPPINE DEVELOPMENT PLAN ANG PLANO NG GOBYERNO SA NATIONAL SHELTER PROGRAM, PARA SA PORMAL AT IMPORMAL NA SEKTOR.


FOR 2005-2010, THE HOUSING SECTOR AIMS TO PROVIDE SHELTER SECURITY AND DECENT HOUSING TO SOME ONE MILLION FAMILIES, WITH A TOTAL VALUE OF 217 BILLION PESOS.


TOP PRIORITY GOES TO THE POOREST OF THE POOR, WITH 68 PERCENT OF OUR TOTAL TARGET DEDICATED TO SOCIALIZE HOUSING.


WE HAVE FORMULATED FOUR GENERAL STRATEGIES TO MEET THIS TARGET.


UNA AY ANG PATULOY NA PAGPAPALAWAK NG PARTISIPASYON NG PRIBADONG SEKTOR SA PAGPAPATAYO AT PAGPOPONDO NG SOCIALIZED HOUSING UNITS.


PATULOY NA NAGPAPATUPAD ANG HUDCC NG MGA REPORMA, NANG SA GAYON AY LALO PANG MAGING “INVESTMENT-FRIENDLY” ANG SEKTOR NG PABAHAY, AT MAGING MAS AKTIBO ANG MGA PRIVATE DEVELOPERS AT PRIVATE FINANCIAL INSTITUTIONS DITO.


PANGALAWA AY ANG PATULOY NA PAGTUTOK SA PANGANGAILANGAN SA PABAHAY NG PORMAL AT IMPORMAL NA SEKTOR, AT ANG PAG-DECONGEST NG METRO MANILA.


ANG PINAKAMALAKING PROYEKTO NAMIN NGAYON SA HOUSING SECTOR AY ANG RELOKASYON NG MGA PAMILYANG NAKATIRA SA TABI NG RILES SA NORTH RAIL. ITO AY BILANG PAGHAHANDA SA REHABILITATION AT MODERNIZATION NG RAILWAY SYSTEM PATUNGONG NORTE, NA MAGBIBIGAY-DAAN NAMAN SA PAG-UNLAD NG MANILA-CLARK-SUBIC TRIANGLE. ANG PAGKAKAROON NG MGA BAGONG DEVELOPMENT FOCAL POINTS SA LUZON ANG MAGIGING SUSI NATIN PARA MAIBSAN ANG PAGSISIKIP SA METRO MANILA.


HUDCC IS LEADING THE RELOCATION OF OVER 40,000 FAMILIES ALONG THE NORTH RAIL RIGHT-OF-WAY FROM CALOOCAN TO PAMPANGA, TO THE NORTHVILLE RESETTLEMENT COMMUNITIES. OUR VISION FOR NORTH RAIL IS TO TURN IT INTO A MODEL RELOCATION PROJECT. AND WITH THE HELP OF VARIOUS SECTORS INVOLVED, I THINK WE WILL BE ABLE TO ACHIEVE THAT VISION.


PATULOY PA RIN ANG KAMPANYA PARA SA SHELTER SECURITY SA PAMAMAGITAN NG PRESIDENTIAL PROCLAMATIONS, KUNG SAAN ANG MGA LUPA NG GOBYERNO NA HINDI NAGAGAMIT AY IPINAMAMAHAGI NA BILANG SOCIALIZED HOUSING SITES.


ISINUSULONG DIN NAMIN ANG MGA ALTERNATIBONG TENURE ARRANGEMENTS GAYA NG PUBLIC RENTAL, LEASE-PURCHASE, SHARED OWNERSHIP, RENT-TO-OWN AT LONG TERM LEASE.


ISA PANG ITINUTULAK NAMIN AY ANG PAGPAPALAKAS NG MGA MULTI-STAKEHOLDER AT COST-EFFECTIVE HOUSING PROGRAMS. KASAMA RITO ANG COMMUNITY MORTGAGE PROGRAM NA NAGPAPAUTANG SA MGA MAHIHIRAP NA KOMUNIDAD NA WALANG ACCESS SA FORMAL LENDING INSTITUTIONS. KASAMA RIN ANG PROGRAMA NG MGA NON-GOVERNMENT ORGANIZATIONS GAYA NG HABITAT FOR HUMANITY AT GAWAD KALINGA.


PANGATLO AY ANG PATULOY NA PAGPAPALAKAS NG MGA KEY SHELTER AGENCIES SA ILALIM NG HUDCC.


ISINUSULONG NATIN ANG RESTRUCTURING AT STREAMLINING NG MGA AHENSYANG ITO PARA MAGING MAS COST-EFFICIENT AT EPEKTIBO ANG PAGPAPATAKBO NG MGA ITO. PATULOY RIN ANG PAGPAPATAAS NG COLLECTION EFFICIENCY NG MGA AHENSYANG NAGBIBIGAY NG HOUSING LOANS PARA MAPANATILING MASIGLA ANG KANILANG MGA PROGRAMA.


AT PANGHULI AY ANG PAGPAPALAWAK SA KAKAYAHAN NG MGA LGUS NA MAGPATUPAD NG SARILI NILANG PROGRAMA SA PABAHAY.


ISINUSULONG NATIN ANG GANAP NA DECENTRALIZATION UPANG MAPALAWIG PA ANG KAKAYAHAN, RESPONSIBILIDAD AT ACCOUNTABILIY NG LGUS SA URBAN DEVELOPMENT, PAGPAPLANO, IMPLEMENTASYON AT PAMAMAHALA NG HOUSING SERVICES. NAGTATATAG TAYO NG LOCAL HOUSING BOARDS SA BAWAT SIYUDAD AT BAYAN, AT PATULOY NA PINAPABILIS ANG PROSESO SA PAGKUHA NG PERMITS AT LICENSES.



CONSTRUCTION AND THE ECONOMY


HINDI MATATAWARAN ANG KAHALAGAHAN NG PABAHAY SA ATING BANSA. BUKOD SA PAGKAKALOOB NG MAAYOS AT DISENTENG TAHANAN SA NAPAKARAMING MAHIHIRAP NA PILIPINO, ANG PABAHAY AY MAY MALAKING AMBAG DIN SA EKONOMIYA AT SA KAUNLARAN NG BANSA.


ITO AY DAHIL ANG PABAHAY AY BAHAGI NG CONSTRUCTION INDUSTRY NA MAY NAPAKATAAS NA “MULTIPLIER EFFECT” SA EKONOMIYA.


ANG BAWAT PISONG GINAGASTOS SA PABAHAY AY SINASABING MAY KATUMBAS NA 16.6 PESOS NA NAIDARAGDAG SA ATING GROSS NATIONAL PRODUCT. ITO AY DAHIL SA MGA INDUSTRIYANG KAUGNAY NG CONSTRUCTION. DITO MALAKI ANG PAPEL NA INYONG GINAGAMPANAN.


SA BAWAT ISANG BAHAY NA ITINATAYO, KAILANGAN NG MGA MATERYALES GAYA NG SEMENTO, BAKAL, KAHOY, PAKO, YERO AT MARAMI PANG IBA.


KAILANGAN DIN NG MGA TRABAHADOR. ANG PABAHAY AY ISANG LABOR-INTENSIVE ACTIVITY NA MAAARING MAGBIGAY NG TRABAHO SA MAHIGIT ISANG MILYONG URBAN AT RURAL CONSTRUCTION WORKERS.


ANG PAGBUO NG ISANG LOW-COST HOUSING UNIT, HALIMBAWA, AY NANGANGAILANGAN NG WALO KATAONG NAGTATRABAHO SA LOOB NG TATLONG LINGGO, O KABUUANG 124 MAN-DAYS.


KAPAG NABUO NA ANG BAHAY, KAILANGAN NAMAN ITONG PINTURAHAN AT PAGANDAHIN. AT KAPAG HANDA NA ITO, KAILANGAN NAMAN NG MGA MUWEBLES AT IBA PANG KAGAMITAN.


A ROBUST CONSTRUCTION INDUSTRY MEANS ACTIVE COMMERCE AND THEREFORE MORE BUSINESS AND INCOME. NAGBUBUKAS DIN ITO NG MARAMING TRABAHO, NA MALAKING TULONG PARA MAIBSAN ANG UNEMPLOYMENT SA BANSA. AT NADADAGDAGAN ANG PONDO NG GOBYERNO MULA SA MGA BUWIS.


IYAN AY SA PABAHAY PA LANG. MAS LALO PA SIGURO KUNG MGA GUSALI AT IBA PANG INFRASTRUCTURE PROJECTS ANG PINAG-UUSAPAN.


GANYAN PO KAHALAGA ANG INYONG INDUSTRIYA. AT IYAN AY ALAM NA ALAM NINYO.


IN THIS FOUR-DAY EVENT, WE WILL BE SEEING THE LATEST TRENDS IN CONSTRUCTION MATERIALS, EQUIPMENTS AND TECHNOLOGIES. BUT LET US ALSO REMEMBER THAT THERE ARE STILL MANY FILIPINOS WHOSE NEEDS ARE VERY SIMPLE AND BASIC: FOUR STURDY WALLS, A ROOF WITH NO LEAKS, AND THE SECURITY OF HAVING A PLACE TO CALL HOME.


AS I HAVE SAID EARLIER, THE BIGGER NEED IS STILL IN THE SOCIALIZED HOUSING CATEGORY AND THE BIGGER CHALLENGE IS STILL AFFORDABILITY. LET US CONTINUE TO WORK TOGETHER AT FINDING A SOLUTION TO THE CHALLENGE OF PROVIDING CHEAPER BUT DURABLE HOUSING AND BUILDING TECHNOLOGIES.



A PITCH FOR THE NORTHVILLE COMMUNITIES


KANINA PO AY NABANGGIT KO ANG GINAGAWA NAMIN SA NORTH RAIL. NATUTUWA AKO DAHIL NAGIGING NAPAKAAYOS NG RELOKASYONG ISINASAGAWA DOON. SA KATUNAYAN, KARAMIHAN SA MGA PAMILYA DOON AY NAG-VOLUNTEER NA PARA MA-RELOCATE, KAYA NAIIWASAN NATIN ANG MGA MAGULO AT MADUGONG DEMOLISYON NA KAGAYA NG NANGYAYARI NOON.


BAGAMA’T KUMPLETO SA MGA BASIC FACILITIES ANG MGA RESETTLEMENT SITES, GAYA NG KALSADA, PATUBIG AT KORYENTE, HINDI PA RIN SAPAT ANG KAKAYAHAN NG GOBYERNO NA IBIGAY ANG LAHAT NG KAILANGAN NG MGA KOMUNIDAD NA ITO. KAYA NAMAN KAMI AY HUMIHINGI RIN NG TULONG SA IBA’T IBANG GRUPO SA PRIBADONG SEKTOR AT SA MGA STAKEHOLDERS NG SECTOR.


NATUTUWA NAMAN KAMI DAHIL MAY MGA GRUPO NANG TUMUGON. MAY MGA NAGPATAYO NG CLASSROOM, MULTI-PURPOSE HALL, AT BASKETBALL COURT. MAY NAG-DONATE NG PINTURA PARA SA MGA BUBONG. MAY MGA NAGBIBIGAY NG TULONG PANG-KABUHAYAN.


MARAMI PA PONG KAILANGAN ANG MGA KOMUNIDAD NA ITO. KAYA NAMAN GUSTO KO NA RING SAMANTALAHIN ANG PAGKAKATAONG ITO PARA MANAWAGAN SA INYO. NAGPAPASALAMAT PO KAMI SA INYONG MORAL SUPPORT, PERO MAS KAILANGAN PO NAMIN NG MATERIAL SUPPORT. ANG ANUMANG MAITUTULONG NINYO AY NAPAKALAKING BAGAY SA PAG BABAGONG BUHAY NG MGA PAMILYANG ITO.

BILANG ISANG INDUSTRIYA AY MAY RESPONSIBILIDAD TAYONG MAG-AMBAG SA PAG-UNLAD NG ATING BANSA, PARA TULUYAN NANG MALUTAS ANG KAHIRAPAN. AT BILANG MGA PILIPINO AY MAY RESPONSIBILIDAD DIN TAYONG TULUNGAN ANG MGA KABABAYAN NATIN UPANG MAKABANGON SILA MULA SA MATINDING KAHIRAPAN.


LET US KEEP BUILDING NOT JUST HOMES AND OTHER STRUCTURES, BUT A BETTER PHILIPPINES.


MARAMING SALAMAT PO. AT MULI MAGANDANG UMAGA SA INYONG LAHAT.



 


gov.ph                                                                                   HOME | back-to-top  

© Copyright 2005 Office of the Vice President (OVP) OVP MISD Management Information Services Division (MISD).  All rights reserved.