SPEECH
OF VICE PRESIDENT NOLI DE CASTRO
INAUGURATION
OF THE
SOCIAL
HOUSING FINANCE CORPORATION
&
BLESSING OF SHFC OFFICES
24
October 2005
(GREETINGS).
MAGANDANG
UMAGA PO SA INYONG LAHAT.
ANG ARAW
PONG ITO AY KATUPARAN NG
ISANG MAGANDA AT MINIMITHING PANGARAP.
SA ARAW
NA
ITO AY ATING PASISINAYAAN
AT PORMAL NA SISIMULAN ANG OPERASYON NG SOCIAL HOUSING FINANCE
CORPORATION, O SHFC, BILANG ISANG GANAP AT PINAKABAGONG AHENSYA SA
PABAHAY NG PAMAHALAAN.
PAGKATAPOS
NG PAGBEBENDISYON NITONG
TANGGAPAN NG SHFC AY MAGSISIMULA NA RIN KAAGAD ANG TRABAHO, SA
GAGANAPING PINAKAUNANG PAGPUPULONG NG BOARD OF DIRECTORS NG SHFC.
ANG
PAGTATAG NG SHFC AY NAGSIMULA
NOONG NILAGDAAN NG ATING PANGULO ANG EXECUTIVE ORDER NO. 272, NOONG
IKA-20 NG ENERO, TAONG 2004.
ISINASAAD
NG KAUTUSANG ITO ANG
PAGBUO NG ISANG KORPORASYON NA SIYANG MAGPAPATUPAD NG MATAGUMPAY NA
COMMUNITY MORTGAGE PROGRAM, ABOT KAYA PABAHAY FUND PROGRAM, AT IBA
PANG MGA TUNGKULIN AT KAPANGYARIHAN NG NATIONAL HOME MORTGAGE FINANCE
CORPORATION NA NAUUKOL SA SOCIAL HOUSING.
ANG
PAGTATATAG NG SHFC AY SADYANG
NAPAKAHALAGA DAHIL SA UNANG PAGKAKATAON AY NAGKAROON NG ISANG
AHENSYANG NAKATUTOK LAMANG SA PAGPOPONDO NG MGA PROGRAMANG PABAHAY
PARA SA MGA MAHIHIRAP AT MGA NASA IMPORMAL NA SEKTOR NG LIPUNAN.
ITO PO AY
BAHAGI PA RIN NG PATULOY
NA REPORMANG ISINASAGAWA NG GOBYERNO SA PANGKALAHATANG PROGRAMA SA
PABAHAY.
LAYUNIN
NITO NA GAWING MAS
EPISYENTE, MAS COST-EFFECTIVE, AT MAS EPEKTIBO ANG SISTEMA NG
PAGHAHATID NG MGA BENEPISYONG PABAHAY SA ATING MGA KABABAYAN.
ANG
PAGBUO
NG SHFC BILANG SUBSIDIARY
NG NHMFC, AT PAGLILIPAT DITO NG MGA PROGRAMA AT TUNGKULIN PARA SA
MURANG PABAHAY, AY BUNSOD NA RIN NG KINAKAILANGANG PAGBABAGO SA
NHMFC.
NGAYON
PO,
ANG NHMFC AY BABALIK NA
SA KANYANG ORIHINAL NA MANDATONG ISULONG AT PAUNLARIN ANG TINATAWAG
NA SECONDARY MARKET PARA SA MGA PAUTANG SA PABAHAY.
ANG
PAGTATAG NG SHFC AY ISA RING
PANGHIHIKAYAT SA HIGIT NA PAKIKIISA AT PARTISIPASYON NG MGA
PAMAHALAANG LOKAL AT MGA PEOPLE'S ORGANIZATIONS SA PROGRAMANG PABAHAY
NG PAMAHALAAN.
KUNG
PAANONG NAGING AKTIBO ANG MGA
SEKTOR NA ITO SA CMP AT IBA PANG PROGRAMA PARA SA MAHIHIRAP, MAS
IBAYONG PARTISIPASYON PA NILA ANG ATING INAASAHAN NGAYONG MAYROON
NANG ISANG BAGONG AHENSYANG KAAGAPAY NILA.
SA
PAMAMAGITAN DIN NG SHFC,
INAASAHANG MAITATATAG AT MAPAPALAGANAP ANG SISTEMANG “SELF-HELP”,
O SARILING SIKAP, SA PABAHAY.
DITO, ANG
MGA PAMILYANG MAY KAUNTING
PONDO O MAY KAUNTING KAKAYAHANG UMUTANG AY MAAARI NANG MAKAPAGPATAYO
NG SARILING TAHANAN, GAMIT ANG KANILANG SARILING LAKAS AT
PAGPUPUNYAGI.
KAYA
NAMAN
TAYONG LAHAT—ANG MGA
MIYEMBRO NG BOARD OF DIRECTORS, MGA OPISYALES AT EMPLEYADO NG SHFC—AY
NAHAHARAP SA IBAYONG PAGSUBOK SA SUSUNOD NA MGA ARAW.
MALAKI
ANG
INAASAHAN SA ATIN, AT
MARAMI TAYONG DAPAT GAWIN AT PAGHUSAYIN – MULA SA INTERNAL NA
PAGPAPALAKAD NG ATING OPISINA, HANGGANG SA PAGBALANGKAS NG MGA BAGO
AT KAKAIBANG PROGRAMA PARA SA MAHIHIRAP.
BUKOD SA
PAGPAPABUTI AT PAGPAPALAWAK
NG SERBISYONG PABAHAY PARA SA IMPORMAL NA SEKTOR, KAILANGAN DIN
NATING PAGTUUNAN NG PANSIN ANG PAGPAPALAWAK NG MGA PAGKUKUNAN NG
PONDO PARA SA GANITONG PROGRAMA NG PABAHAY.
KUNG
PAANONG NAGING MABISA ANG
PAG-IBIG SA PAGLALAAN NG PONDO SA PABAHAY PARA SA SEKTOR NG MGA
PORMAL NA MANGGAGAWA, DAPAT AY MAGING GANITO RIN ANG SHFC, PARA NAMAN
SA IMPORMAL NA SEKTOR.
KAYA
NAMAN
AKO AY NANANAWAGAN SA
LAHAT NG KAMAY-ARI, O "STAKEHOLDERS" NG SOCIAL HOUSING, NA
MAGKAISA NA TAYO AT SUPORTAHAN ANG SHFC. ISANTABI NA NATIN KUNG
ANUMAN ANG NAGING HIDWAAN NOONG UNA, AT KAPIT-BISIG NATING HARAPIN
ANG MGA PAGSUBOK SA PABAHAY.
BINIBIGYAN
TAYO NGAYON NG
PAGKAKATAON NA MAGING BAHAGI NG PAGHUBOG NG KASAYSAYAN NG PABAHAY.
MAGKAISA TAYO PARA GAWIN ITONG ISANG KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD.
NGAYON,
HIGIT SA ALINMANG PANAHON,
TAYO AY NAHAHARAP SA ISANG MATINDING PAGHAMON. ITO ANG HAMON NG
KAHIRAPAN.
SA ATING
PATUGON SA HAMONG ITO
NAKASALALAY, HINDI LAMANG ANG PAG-ANGAT NG KALAGAYAN NG MARAMING
MAHIHIRAP NA PILIPINO. DITO RIN NAKATAYA ANG PATULOY NA PAG-USAD NG
ATING LIPUNAN.
ISANG
MALAKAS NA SANDATA NATIN LABAN
SA KAHIRAPAN ANG PAGSUSULONG NG KASEGURUHAN SA LUPA AT PABAHAY PARA
SA MAHIHIRAP.
DITO AY
KASAMA NA NATIN NGAYON ANG
SOCIAL HOUSING FINANCE CORPORATION. MAGTULONG-TULONG TAYO UPANG
MAGING MATAGUMPAY ITONG SHFC.
MARAMING
SALAMAT PO, AT MABUHAY
TAYONG LAHAT!
©
Copyright
2005
Office of the Vice President (OVP)
Management Information Services
Division (MISD). All rights reserved.
|