SPEECH
OF VICE PRESIDENT NOLI DE CASTRO
27th
Catholic Mass Media Awards
24
October 2005
Magandang gabi, BAYAN. first of all,
i would like to
congratulate
the awardees of the prestigious catholic mass media award --- now on
its 27th year of continued dedication to the promotion of
effective and responsible media communication.
SALAMAT
DIN PO sa inyong paanyaya sa
akin upang maging panauhing pandangal at tagapagsalita NGAYONG GABI.
Napakalapit sa puso ko ng CMMA sapagka’t ako ay naging bahagi
ninyo, “not once but twice.”
Noong
1988
ay napiling Best Public
Affairs Program ang “Magandang Gabi Bayan.” Bumalik kami
dito noong 1992 bilang Best “News Magazine.”
Bukod pa
rito, talagang mahalaga sa
akin ang anumang may kaugnayan sa media. Hindi naman lingid sa
inyong kaalaman na sa industriyang ito ako nakilala at dito ko
HINUBOG ANG AKING PAGKATAO AT ITO RIN ANG IBINUHAY KO SA aking
pamilya. dito rin ako natuto ng maraming aral --- mga aral na
hanggang ngayon ay binabalik-balikan ko, lalo na kapag ako ay
nahaharap sa matitinding pagsubok.
Kapangyarihan
ng Media
Bakit
nga ba malaki ang naging epekto sa buhay ko, sa buhay natin, Ang mass
media?
Ito ay sa
dahilang Taglay ng mass
media ang kakaibang kapangyarihan na di tulad ng kapangyarihan ng
pamahalaan O NG MGA NASA PAMAHALAAN o ng mga ahensiya nito.
Ang
institusyong politikal ay may
kakayahang ipatupad ang anumang alituntunin na sa palagay ng mga
namumuno ay makabubuti sa lahat. halimbawa, marami ang tumututol sa
expanded O REFORMED value-added tax. Merong nagpetisyon sa korte,
merong sumigaw sa kalye. MERONG GINAMIT ANG MEDIA. Subali’t kapag
nagsalita na ang mga institusyong itinakda upang magdesisyon tungkol
sa eVAT, wala ng magagawa ang kumokontra dito kundi tanggapin ito. at
ang pinanghahawakan na lamang ay ang pangako ng gobyerno na sa
katagalan ay makakatulong sa ekonomiya ang eVAT.
various
institutions recognize the
critical role played by media in communicating and advocating issues
and concerns. ang papel ng media ay ang magpaliwanag at magkumbinsi.
Sa isang
banda, may karapatan pa rin
ang sino mang nakikinig, nanonood, o nagbabasa na maniwala o hindi,
sumunod o kumontra.
Sa
kabilang banda, kapag paulit-ulit
ang balita, KAHIT HINDI TOTOO, parang nagiging totoo na rin ito sa
paningin O PANDINIG ng taongbayan. KAGAYA NG SINABI NI CHAIRMAN
MAO TSE TUNG “ A LIE REPEATED A HUNDRED TIMES BECOMES THE TRUTH.”
KAYA NGA,
Kayang hubugin ng mass
media ang paniniwala ng mga tao.
At dito
PINATUTUNAYAN ang tunay na
lakas ng mass media. Tulad ng panulat ng ating mga bayani noong
panahon ng pananakop ng mga dayuhan, matalas at epektibo ang mga
ideyang maaaring itanim ng media sa isipan at damdamin ng mga tao.
Nakatago
subalit napakatindi ng
ganitong klaseng kapangyarihan. Sa maling kamay, puwede itong
abusuhin.
Paglalantad
sa Katotohanan
this
year’s theme –-- the communications media: at the service of
understanding among peoples --- is, indeed, timely. now, more than
ever, is the time for us to advocate for responsible media.
Tayong
mga nasa media ay dapat maging patas sa paglalantad ng impormasyon at
opinyon tungkol sa mga nangyayari sa ating paligiD.
Kung ang
inilalahad natin ay balita,
dapat itong maging totoo. Dapat kunin ang magkabilang panig. Dapat
maging neutral. at Dapat merong validation, o ang paniniguro sa laman
ng balita. AT MAS MAGANDA KUNG SASAMAHAN NG RESEARCH O INVESTIGATION.
Kung
opinyon naman, dapat maging
maliwanag sa lahat na ito ay paniniwala ng nagsasalita. Hindi dapat
magtago ang pagbibigay ng opinyon sa likod ng mukha ng balita. walang
puwang ang pagbibigay ng opinyon na nagkukunwaring balita sa makabago
at responsableng pamamahayag.
Subalit
puwede ba talaga ito?
Para
sa akin, ang sagot ay oo, puwedeng-puwede. Kailangan lamang ng
dedikasyon sa paghahanap sa katotohanan. Sa puntong ito, nais kong
balikan ang paulit-ulit na ring debate sa kung ano ba talaga ang totoo.
Alam
natin
na isinisigaw ng IBA
NATING MGA KABABAYAN na dapat ilabas ang katotohanan. At ito rin ang
sagot ng Administrasyon --- na dapat ilabas ang buong katotohanan.
Para
sa akin, isang mahalagang katangian ng katotohanan ang pagiging buo
nito.
Walang
kikilingan, maging kakampi
man o kaaway ang maapektuhan. Walang itatago, sino man ang masaktan.
Tayong
mga nasa mass media ay may responsibilidad na ilabas ang buong
katotohanan. Sapagkat pilitin man natin itong itago, maging bahagi
man tayo sa pagtatakip nito, naniniwala akong darating din ang araw
na lalabas ang buong katotohanan. Kaya huwag na nating hintayin na
kasaysayan pa ang humusga sa ating mga sinasabi, sinusulat, o
ipinapalabas.
Pagbabago
ng Pananaw
Marahil
ganito ako magsalita ngayon
dahil nakita ko na ang dalawang panig ng maraming isyu.
Inaamin
ko
na noong ako
ay brodkaster pa lamang, meron din akong mga maling paniniwala
tungkol sa pamahalaan at sa mga kawani ng gobyerno. Isa na rito ang
paghusga sa mga naninilbihan sa gobyerno bilang corrupt at
incompetent.
Maling-mali
pala ito. Sa aking
pagta-trabaho sa Senado at sa executive branch, nakita ko kung gaano
karami and mga opisyal at kawani ng pamahalaan na merong pagmamahal
sa bayan, na walang pansariling hangad maliban sa maayos na
paglilingkod, at may kakayahang higit pa sa kanilang mga counterparts
sa private sektor. Totoo ito: maraming magagaling at matitinong
kawani ang ating pamahalaan. At dahil dito, napakalaki ng aking
paggalang sa kanila.
Ngayon ko
rin nararamdaman kung
paano maging biktima ng mga maling paratang sa media. Para sa iba,
mahirap isipin na ako na mismo na halos buong professional na buhay
ko ay nasa media, ay nagiging biktima NGAYON. Pero ganito po talaga
ang nangyayari.
Gayunpaman,
napakalaki ng aking
paniniwala sa KAhalagaHAN ng mass media. Kahit na merong mga
pag-abuso O IRESPONSABLENG PAGGAMIT SA kapangyarihan ng media, isa
itong importanteng institusyon sa lipunan. HINDI LANG SA ATIN KUNDI
SA BUONG DAIGDIG.
Panawagan
Para sa media
mga
kasamahan ko sa media, ISANG
MAHALAGANG PAALAALA: huwag nating kaliLImutan ang ating
responsibilidad sa bayan at sa katotohanan.
Marahil
kailangang pag-isipang
mabuti kung ano nga ba ang dapat na maging papel ng mass media sa
pag-unlad ng ating bansa. at Para sa akin, tungkulin ng media ang
maging matatag at matapang na institusyon na nagsusulong ng
katotohanan. Kailangan natin ito upang mapanatiling masigla at
malakas ang ating demokrasya.
Mahalaga
ang papel na ginagampanan
nating mga nasa media sa pagsusulong nito. Sana po ay maging
kabalikat NAMIN kayo dito.
Sama-sama
po nating itaguyod ang
katotohanan, at ang responsableng pag-gamit ng kapangyarihan ng mass
media.
At this
point, i wish to share with
you a personal realization as i look back on my life as a
broadcaster. now that i am a government official, i realized the
power of media. how true, indeed, that the media can make or break a
nation. that it can divide or unite social forces. and that it can
also inflict pain on a person. such reflection is truly humbling. now i
know better. and i have gained a greater understanding. with
that, i join all of you in the advocacy for the promotion of
responsible media.
MARAMI
PONG SALAMAT!
AT
MABUHAY
TAYONG LAHAT!
©
Copyright
2005
Office of the Vice President (OVP)
Management Information Services
Division (MISD). All rights reserved.
|