SPEECH
OF VICE PRESIDENT NOLI DE CASTRO
NATIONAL NUTRITION COUNCIL (NNC)
NATIONAL NUTRITION AWARDING CEREMONY
PHILIPPINE ARMY OFFICERS CLUB HOUSE
OCTOBER 21, 2005
MAGANDANG
HAPON SA INYONG LAHAT.
AKO'Y
NAGPASALAMAT SA NATIONAL NUTRITION COUNCIL AT KAY SECRETARY PANGANIBAN
SA PAG-IMBITA NINYO SA AKIN DITO SA INYONG PAGPAPARANGAL SA MGA LOCAL
OFFICIALS AT BARANGAY NUTRITION SCHOLARS NA NAGPAMALAS NG
NATATANGING GALING SA PAGPAPATUPAD NG NUTRITION PROGRAM.
NUTRITION
AND THE BASIC NEEDS
KAGAYA NG
ISANG TAO, O ISANG PAMILYA, ANG KATAYUAN NG ISANG BANSA AY NASASALAMIN
SA KUNG NASAANG ANTAS NA ANG MGA PANGANGAILANGANG PINAGTUTUUNAN NG
PANSIN NITO.
MATATANDAAN
NATIN ANG ISANG LEKSYON NOON SA ESKWELA, TUNGKOL SA MASLOW'S HIERARCHY
OF NEEDS.
AYON SA THEORY NA ITO, ANG MGA MAS MATAAS NA PANGANGAILANGAN NG TAO
GAYA NG PAGMAMAHAL AT PAKIKISAMA, SELF-ESTEEM AT ACTUALIZATION, AY
NABIBIGYAN LAMANG NG PANSIN KAPAG NAKAMIT NA ANG MGA PANGUNAHING
PANGANGAILANGAN, GAYA NG PAGKAIN, PANANAMIT, AT KOMPORTABLENG LUGAR O
BUBONG, AT IBA PA.
BILANG
CHAIRMAN NG HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL O HUDCC,
ALAM KO PO KUNG GAANO KALAKI ANG PROBLEMA NG MGA PILIPINO SA KAKULANGAN
NG MAAYOS NA PABAHAY -- ISANG PANGUNAHING PANGANGAILANGAN O BASIC NEED.
NUTRITION
PROBLEM IN THE PHILIPPINES
AT NGAYON, SA
IBINIGAY NA SITUATIONER NG NNC AY NAKITA KO NAMAN KUNG GAANO KASERYOSO
ANG PROBLEMA SA NUTRITION SA BANSA.
MALINAW NA
PAGKATAPOS NG MARAMING TAON, NAROON PA RIN TAYO SA BANDANG ILALIM NG
MASLOW'S HIERARCHY OF NEEDS.
GAYONG MARAMI
NA RING NANGYARING PAG-UNLAD AT PAGBABAGO SA BANSA, ANG
NAKALULUNGKOT NA KATOTOHANAN AT PROBLEMA PA RIN NG MARAMING PILIPINO
ANG MGA BASIC NEEDS GAYA NG MAAYOS NA TIRAHAN AT TAMANG PAGKAIN.
MAGTATAKA KA
TULOY KUNG BAKIT HINDI ITO ANG TINUTUTUKAN NG MARAMI SA ATING MGA
PULITIKO.
MALALIM ANG
KAUGNAYAN NG KAHIRAPAN AT KAKULANGAN SA NUTRITION. HINDI KO
NA KAILANGANG IPALIWANAG IYAN DAHIL KAYONG MGA NARIRITO ANG MGA
EKSPERTO SA USAPING IYAN.
KAMAKAILAN AY
NAPABALITA NA NAMAN ANG MABABANG PERFORMANCE NG MGA ESTUDYANTENG
PILIPINO SA MGA STANDARDIZED TESTS.
AYON SA ATING
EDUCATION OFFICIALS, ISA LANG SA BAWAT LIMANG ESTUDYANTENG NAG GRADUATE
SA ELEMENTARY LEVEL ANG MAY SAPAT NA KAALAMAN SA LAHAT NG MGA
SUBJECTS.
SA HIGH
SCHOOL AY MAS MABABA PA DAHIL WALA PANG ISANG PORSIYENTO, O .48
PERCENT LAMANG, ANG MAY SAPAT NA KAALAMAN.
TATLO SA
BAWAT SAMPUNG GRADE SIX STUDENTS; AT ANIM SA BAWAT SAMPUNG ESTUDYANTE
SA FOURTH YEAR HIGH SCHOOL ANG SADYANG WALANG KAALAMAN O MASTERY NG MGA
BASIC COMPETENCIES NA NARARAPAT SA KANILANG ANTAS.
ANG GANITONG
NAKALULUNGKOT NA KATOTOHANAN AY ISINISISI SA PAGBABA NG QUALITY OF
EDUCATION DAHIL SA
KAKULANGAN NG RESOURCES AT NG MGA QUALIFIED NA GURO.
PERO HINDI
LAMANG IYAN ANG DAHILAN. ALAM NATIN NA MAY MALAKING EPEKTO ANG
KALUSUGAN AT NUTRITION SA KAKAYAHANG MATUTO AT SA PERFORMANCE NG
MGA KABATAAN SA PAARALAN.
KUNG
TITINGNAN NATIN ANG STATISTICS SA NUTRITION, MAKIKITA ANG ISA PANG ISYU
NA MAAARING NAKAKAAPEKTO NANG MALAKI SA ATING MGA MAG-AARAL.
BATANG MAY KINABUKASAN, SA WASTONG NUTRISYON SIMULAN.
HINDI LAMANG
SA PAARALAN ANG PROBLEMA, KUNDI NASA HAPAG-KAINAN RIN.
HINDI LAMANG
ITO USAPIN NG KALIDAD NG EDUKASYON, KUNDI KALIDAD NG NUTRITION.
HINDI LAMANG
ITO TUNGKOL SA MABABANG GRADO SA NATIONAL ELEMENTARY ACHIEVEMENT TEST
OR NEAT AT NATIONAL SECONDARY ACHIEVEMENT TEST OR NSAT. TUNGKOL
DIN ITO SA MATAAS NA PORSIYENTO NG PROTEIN ENERGY MALNUTRITION OR PEM,
IRON DEFICIENCY ANEMIA OR IDA, IODINE DEFICIENCY DISORDERS OR IDD, AT
VITAMIN A DEFICIENCY DISORDER OR VADD NA DINARANAS NG MARAMING
KABATAANG PILIPINO.
BREAKING
THE CHAIN OF POVERTY
KABIT-KABIT
SA ISANG KADENA NG KAHIRAPAN ANG KAKULANGAN SA NUTRITION, HINDI TAMANG
PAGKAIN, KAWALAN NG MAAYOS NA KAPALIGIRAN, BAGSAK NA KALUSUGAN,
MALAKING PAMILYA, AT KAKULANGAN SA EDUKASYON.
TO BREAK THE
CHAIN OF POVERTY, WE MUST WORK ON EACH OF THESE LINKS.
IYAN NAMAN AY
GINAGAWA NG GOBYERNO SA PAMAMAGITAN NG MGA IBA'T IBANG AHENSYANG
NAKATALAGANG TUMUTOK SA MGA PROBLEMANG ITO.
SUBALIT
NAPAKALAKI NG MGA PROBLEMANG ITO NA NAGKAPATONG-PATONG SA LOOB NG
MAHABANG PANAHON. THESE PROBLEMS CANNOT BE SOLVED OVERNIGHT.
HINDI RIN ITO
KAYANG LUTASIN KUNG ANG NATIONAL GOVERNMENT LAMANG ANG KIKILOS.
DIYAN
PUMAPASOK ANG MGA LOKAL NA PAMAHALAAN AT IBA PANG SEKTOR.
NATUTUWA
AKONG MAKITA NA PAGDATING SA NUTRITION AY MAY MALAKAS AT AKTIBONG
SUPORTA ANG NNC MULA SA MGA LOKAL NA PAMAHALAAN, HANGGANG SA BARANGAY
LEVEL.
AT NARITO NGA
NGAYON ANG MGA PINAKAMAGAGALING SA HANAY NA IYAN.
KAGAYA NG
SINABI KO KANINA, ANG BANSANG PILIPINAS AY HINDI GANAP NA NAKAKAAHON
MULA SA ILALIM NG HIERARCHY OF NEEDS. KAYA ANG INYONG PAGTUGON SA
ISANG PANGUNAHING PANGANGAILANGAN NG MGA MAHIHIRAP AY NARARAPAT LANG NA
MAGSILBING MODELO, HINDI LAMANG SA IBA PANG LOCAL GOVERNMENT OFFICIALS
AT BARANGAY NUTRITION SCHOLARS, KUNDI SA LAHAT NG PILIPINO.
FACING
UP THE CHALLENGE OF ADDRESSING NUTRITION PROBLEMS
SANA ANG
INYONG MATAGUMPAY AT TAHIMIK NA PAGPAPATUPAD NG NUTRITION PROGRAM PARA
SA ATING MGA KABABAYAN AY MAGING ISANG PAGHAMON SA IBA PA NATING
KABABAYAN, LALO NA DOON SA MGA MAHILIG LANG MAG-INGAY PERO WALA NAMAN
TALAGANG KONGKRETONG NAIAAMBAG SA PAG-ANGAT NG BANSA.
ANG KAILANGAN
PO NATIN NGAYON AY ISANG MATATAG AT MALUSOG NA SAMBAYANAN.
KAHIT ANO PA
ANG KLIMA NG PULITIKA SA BANSA, HINDI NAGBABAGO ANG KAHALAGAHAN NG
KALUSUGAN PARA SA LAHAT.
IF THE PEOPLE
ARE HEALTHY, OUR PRODUCTIVITY CAN BE MAXIMIZED. AND OUR PROGRESS
CAN BE ASSURED.
MAKAKAMIT
LAMANG ITO KUNG TAYO AY PATULOY NA MAGKAKAISA AT MAGTUTULUNGAN.
DOON PO SA
ATING AWARDEES, CONGRATULATIONS PO SA INYO. TULOY-TULOY LANG PO TAYO SA
PAGTATRABAHO.
MARAMING
SALAMAT AT MULI, MAGANDANG UMAGA SA INYONG LAHAT.
©
Copyright
2005
Office of the Vice President (OVP)
Management Information Services
Division (MISD). All rights reserved.
|