star Kabayan Noli De Castro OVP
Press Release
Speeches
Photo Gallery
Back to home page

OVP email


V Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC)

V National Anti-Poverty Commission (NAPC)

V www.senate.gov.ph


V www.kabayannoli.com

































Kabayan Forum
Speeches

SPEECH OF VICE PRESIDENT NOLI DE CASTRO

NATIONAL HOUSING AUTHORITY
30TH ANNIVERSARY

OCTOBER 14, 2005

 

MAGANDANG HAPON SA INYONG LAHAT. 

UNA SA LAHAT AY NAIS KONG BATIIN KAYO NG HAPPY 30TH ANNIVERSARY.
 

NHA - THIRTY YEARS OF HISTORY
 

SA TATLUMPUNG TAON AY MAITUTURING NANG BETERANO SA PABAHAY ANG NHA.  SA LOOB NG PANAHONG IYAN AY TALAGA NAMANG DAPAT AY MAY AWTORIDAD AT EXPERTISE NA KAYO SA PAGHAHATID NG BENEPISYONG PABAHAY SA ATING MGA KABABAYAN.

NGAYON PONG OKTUBRE AY IPINAGDIRIWANG DIN NATIN ANG NATIONAL SHELTER MONTH. KAYA TAMANG TAMA NA SA BUWANG ITO DIN NATIN GINUGUNITA ANG IKA-TATLUMPUNG TAON NG NHA, NA MAY MALAKING BAHAGI SA KASAYSAYAN NG PABAHAY SA ATING BANSA.  

ANG NHA AY ITINATAG NOONG 1975, SA GITNA NG BIGLANG PAGLAKI NG POPULASYON NG PILIPINAS NOONG DEKADA SITENTA. SA PANAHONG IYON, ANG BILANG NG MGA PILIPINO AY UMABOT NA SA 40 MILLION, AT ANG PINAKAMALAKING KONSENTRASYON AY NASA METRO MANILA.

DITO UMUSBONG ANG MGA PROBLEMA NG MALAKING KAKULANGAN SA PABAHAY, ANG LIMITADONG MGA LUGAR NA PWEDENG PATAYUAN NG MGA KOMUNIDAD AT ANG PAGTAAS NG PRESYO NG BAHAY AT LUPA, NA HINDI NA MAABOT NG ORDINARYONG PILIPINO.

MARAMI NA RING NAGBAGO SA ATING BANSA SA LOOB NANG TATLUMPUNG TAON, PERO KUNG ATING TITINGNAN ANG KALAGAYAN SA PABAHAY, ANG MGA PROBLEMA NOON AY SIYA PA RING PROBLEMA NATIN NGAYON.

KUNG MAYROON MANG NAGBAGO, ITO AY ANG LALONG PAGLAKI NG BILANG NG ATING MGA KABABAYANG NANGANGAILANGAN NG PABAHAY, DAHIL SA PATULOY NA PAGLAKI NG POPULASYON, AT PAGTAAS NG ANTAS NG URBANISASYON.
 

THE CHALLENGES OF URBANIZATION

ANG ATING POPULASYON AY UMABOT NA SA 76.5 MILLION NOON PANG TAONG 2000. AT HALOS 13 PERCENT NG BILANG NA IYAN AY NASA NCR.

DAHIL SA MABILIS NA URBANISASYON, MARAMING PAMILYA NA NGAYON ANG NABIBILANG SA MGA URBAN POOR NA NAKATIRA SA MGA SLUM AREAS AT INFORMAL COMMUNITIES SA MGA DANGER AREAS.

ALAM KO NA MARAMI NA RING NAGAWA, AT MARAMI NA RING PAMILYANG NATULUNGAN ANG NHA SA LOOB NG TATLUMPUNG TAON.

SIMULA NANG ITATAG ANG NHA HANGGANG NGAYON, NAKAPAGBIGAY NA ITO NG HOUSING BENEFITS SA  663,080 PAMILYA SA BUONG BANSA.

KABILANG DITO ANG 217,914 FAMILIES NA NABIGYAN NA NG SEGURADO AT MAS MAAYOS NA TIRAHAN SA MGA IBA’T IBANG RESETTLEMENT PROJECTS.

YUNG IBA NAMAN AY NATULUNGAN SA PAMAMAGITAN NG SLUM UPGRADING, COMPLETED HOUSING, COMMUNITY-BASED HOUSING PROGRAMS, AT EMERGENCY HOUSING ASSISTANCE.
 

THE NORTHRAIL CHALLENGE

PATULOY PA RIN ANG MGA PROGRAMANG IYAN. NGAYON NAMAN AY NASA GITNA RIN TAYO NG ISANG MALAKING RESETTLEMENT PROGRAM. IYAN AY ANG GINAGAWA NATING RELOKASYON SA NORTH RAIL, NA NGAYON AY BINABATO NA RIN NG KABI-KABILANG BATIKOS.  

PERO KUNG ANUMAN ANG MGA ISYU TUNGKOL SA NORTH RAIL PROJECT AY MALAKI NA RIN ANG ATING NAGAWA DITO, SA KABILA NG IBA’T IBANG BALAKID AT HAMON NA ATING HINAHARAP.

SA METRO MANILA AT BULACAN ALIGNMENT AY MAHIGIT 10,000 KA PAMILYA NA ANG ATING NAHANGO MULA SA BUHAY-RILES, AT KARAMIHAN AY NABIGYAN NA NG MAS MAAYOS AT SEGURADONG TAHANAN.

AT NGAYON AY ITINUTULOY PA RIN NATIN ANG TRABAHO SA BULACAN, KUNG SAAN MERON PA TAYONG MAHIGIT 9,000  PANG PAMILYANG KAILANGANG MALIKAS. AT SIYEMPRE PA, ITO AY ITUTULOY PA NATIN SA KAHABAAN NG PAMPANGA KUNG SAAN MERON PA TAYONG MGA 20,000 AFFECTED FAMILIES.

ANG MGA PAMILYANG IYAN AY MATAGAL NANG NANINIRAHAN BILANG MGA INFORMAL SETTLERS. KAYA NAMAN PARA SA AKIN, ITONG ATING GINAGAWANG RELOKASYON AY HINDI LAMANG PAGHAHANDA SA REHABILITASYON NG NORTH RAIL, KUNDI ISANG OPORTUNIDAD NA MABIGYAN NG SHELTER SECURITY ANG LIBO-LIBO NATING KABABAYAN.

TOTOONG MABIGAT ANG RESPONSIBILIDAD NATIN SA SEKTOR NG PABAHAY, AT PARANG NAPAKAHIRAP NA HABULIN ANG PATULOY NA LUMALAKING PROBLEMA SA PABAHAY.

PERO HINDI PO TAYO DAPAT MAGPATALO. 

MAHIRAP MAN ANG ATING TRABAHO, TANDAAN PO NATIN NA ITO AY DIREKTANG NAKAKATULONG SA BUHAY NG MGA PINAKAMAHIHIRAP NATING KABABAYAN.

IYAN ANG ATING AMBAG SA PAG-UNLAD NG ATING BANSA, AT SA PAG-ANGAT NG BUHAY NG MGA PILIPINO.
 

CLOSING

SA TATLUMPUNG TAON NG NHA AY NAGDAAN NA ITO SA MGA PAGBABAGO SA ILALIM NG IBA’T IBANG PAMUNUAN.

DARATING ANG PANAHON NA AKO, SI GM RICO LAXA, AT MAGING ANG MGA SUSUNOD PANG PINUNO NITO AY MAGIGING ISANG LINYA NA LAMANG SA KASAYSAYAN NG NHA. NGUNIT ANG KARAMIHAN SA INYO AY MANANATILI AT PATULOY NA MAGSISILBI. KAYO ANG TUNAY NA LAKAS AT BUHAY NG NHA. 

PATULOY PO NATING ISULAT ANG ISTORYA NG NHA, AT GAWIN NATIN ITONG ISTORYA NG KAHUSAYAN AT KATAPATAN SA PAGLILINGKOD SA SAMBAYANANG PILIPINO.

MABUHAY KAYO!

MARAMING SALAMAT, AT MAGANDANG HAPON MULI SA INYO.

 

 

 


gov.ph                                                                                   HOME | back-to-top  

© Copyright 2005 Office of the Vice President (OVP) OVP MISD Management Information Services Division (MISD).  All rights reserved.