star Kabayan Noli De Castro OVP
Press Release
Speeches
Photo Gallery
Back to home page

OVP email


V Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC)

V National Anti-Poverty Commission (NAPC)

V www.senate.gov.ph


V www.kabayannoli.com

































Kabayan Forum
Speeches

MESSAGE OF VICE PRESIDENT NOLI DE CASTRO

HARIBON FOUNDATION

OCTOBER 12, 2005


Ladies and gentlemen:

I am pleased to JOIN THE MEMBERS OF THE BOARD, OFFICERS, AND STAFF OF THE HARIBON FOUNDATION AS WE DEDICATE THE EVENING TO HONOR HARIBON’S PARTNERS FOR THEIR SUPPORT AND CONTINUING COMMITMENT TO BIODIVERSITY CONSERVATION. 

Haribon through the years

Simula nang itatag ang haribon noong 1972, marami na itong  nagawa upang pangalagaan ang ating kalikasan.  Ang dating pangarap lamang ng mga haribon founders ay isa na ngayong malakas, masigla, at epektibong  institusyon na may malaking naitutulong para sa kalikasan.

Sa mahigit tatlong dekada ng pagtatrabaho para sa kalikasan, maraming beses nang nakatanggap ng parangal ang haribon.  kinilala ang mga natatanging proyekto ng haribon hindi lang dito sa ating bANSA kundi pati na rin sa buong mundo.

Naging Likas Yaman at Gawad Agila Awardee ang Haribon.  Ang mga award na ito ay nanggaling mismo sa Department of Environment and Natural Resources o denr, ang ahensiya ng GOBYERNO na nangangalaga sa ating likas na yaman.

Noong taong 2000, ang Project Seahorse ng Haribon Foundation at John Shedd Aquarium ng Estados Unidos ay kinilala ng “EXPO Projects All Over the World” bilang isa sa mga magagaling na proyekto tungo sa pagpapatupad ng Agenda 21.

ngayon, patuloy sa pagsusumikap ang Haribon upang isulong ang environmental conservation at sustainable resource management. 

NAGING partner na rin ng HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL O HUDCC (ANG AHENSIYANG AKING PINAMUMUNUAN) ang Haribon sa pagtatanim ng mga puno sa mga bagong-tatag na NORTHVILLE COMMUNITIES.   

Conservation and Sustainable Use

Ako mismo ay matagal na ring sumusuporta sa mga gawaing may kinalaman sa pagbibigay proteksyon sa kalikasan. Naniniwala ako na bagama’t para sa tao ang kalikasan, wala pa ring karapatan ang tao na abusuhin at sirain ang kalikasan.  Tama ang sinasabi ninyong mga taga-Haribon: “caring for Nature with the people --- for the people.” 

Kaya naman nang mapag-usapan ang partnership ng Haribon at HUDCC, agad akong natuwa sa suportang ito.

SiNIMULAN natin ang partnership sa mga Northville communities na siyang pinaglilipatan ng mga pamilyang dating nakatira sa tabi ng Northrail.  Minamadali natin ang paglilinis ng linya ng northrail upang mabuhay na muli ang riles ng tren patungong norte.  makatutulong ito ng malaki sa pag-unlad ng ating ekonomiya at sa pag-decongest ng Metro MANILA.        

BUKOD PA RITO, SA AKING PAKIKISALAMUHA SA MGA PAMILYA SA RILES, KITANG-KITA KO KUNG GAANO KAHIRAP ANG KANILANG BUHAY DOON.  ANG MGA NORTHVILLE COMMUNITIES ANG ATING SAGOT SA KANILANG PANGANGAILANGAN NG SARILI AT PERMANENTENG TIRAHAN.

Kaya naman minabuti namin sa HUDCC --- sa pakikipag-ugnayan SA iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, pribadong sector, non-government organizations, at peoples’ organizations ---na gawinG modelo ng paglilipat itong Northville communities.

Ngayon, hindi na relocation sites ang ating itinatayo, kundi mga bagong komunidad na maayos, mapayapa, malinis,  maganda, AT MALAPIT SA TRABAHO AT HANAP-BUHAY.  At sa tulong ng Haribon – THROUGH ITS URBAN RAINFORESTATION OR THE PLANTING OF NATIVE TREES SPECIES PROJECT --- ANG MGA ITO AY magiging mga luntiang komunidad din. 

THIS IS ALSO SUPPORTIVE OF OUR URBAN RENEWAL PROGRAMS IN HUDCC.   THROUGH THIS JOINT PROJECT WITH HARIBON AND WITH CONTINUING ADVOCACY WORK, WE HOPE TO SUBSTANTIALLY IMPART TO OUR COMMUNITIES THE IMPORTANCE OF PROMOTING ENVIRONMENTAL PROTECTION AND BIODIVERSITY CONSERVATION.  THIS IS PART OF THE “NEW LIFE” THAT WE WANT THEM TO LIVE AS THEY START TO SETTLE IN THE HOME AND COMMUNITY THEY CAN NOW TRULY CALL THEIR OWN.

A Sustainable Tomorrow

My friends, we are here tonight because we believe in the power of working together for the future.

We recognize that environmental conservation and sustainable use of resources require the cooperation of all sectors of society.  This is one instance when we can say, in all humility, that we JUST can not do it alone. 

The challenges may be big, but I believe that every single individual can help.  let us continue to work together towards a shared vision.  and Let the success of Haribon foundation inspire us all. 

Thank you and good evening.

 

 


gov.ph                                                                                   HOME | back-to-top  

© Copyright 2005 Office of the Vice President (OVP) OVP MISD Management Information Services Division (MISD).  All rights reserved.