SPEECH
OF VICE PRESIDENT NOLI DE CASTRO
GAWAD KALINGA CONGRESS
ST. PAUL,
PASIG
OCTOBER 10, 2005
MAGANDANG
HAPON SA INYONG LAHAT.
NGAYONG BUWAN
NG OKTUBRE AY IPINAGDIRIWANG NATIN ANG SHELTER MONTH. ANG
ISANG-BUWANG PAGDIRIWANG NA ITO AY KUMIKILALA SA KAHALAGAHAN NG TAHANAN
BILANG ISA SA MGA PANGANGAILANGAN NG BAWAT PILIPINO, AT NG PABAHAY
BILANG ISANG IMPORTANTENG USAPING PANLIPUNAN. ANG SHELTER MONTH
AY ITINAKDA NG PAMAHALAAN KAUGNAY NA RIN NG PAGDIRIWANG NG WORLD
HABITAT DAY SA TUWING UNANG LUNES NG OKTUBRE.
SHELTER
AND NATIONAL DEVELOPMENT
ALAM NG BAWAT
ISA SA ATIN KUNG GAANO KAHALAGA ANG PAGKAKAROON NG TAHANAN.
ALAM DIN IYAN
NG ATING GOBYERNO, KAYA NAMAN ANG PROGRAMA SA PABAHAY AY NANATILING ISA
SA MGA PANGUNAHING PRAYORIDAD NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON.
MAYROON
TAYONG MAHIGIT SA 3.7 MILYONG DAHILAN KUNG BAKIT DAPAT ISA ANG
PABAHAY
SA MGA DAPAT UNAHIN. AT IYAN AY ANG BILANG NG PAMILYANG
MANGANGAILANGAN NG BAHAY MULA SA 2005 HANGGANG 2010.
ANG BILANG NA
IYAN AY BINUBUO NG ATING EXISTING HOUSING BACKLOG, O KASALUKUYANG
KAKULANGAN SA PABAHAY, AT NG MGA INAASAHANG DARAGDAG NA PAMILYA HABANG
LUMALAKI ANG ATING POPULASYON.
KASAMA NA
RIYAN ANG BILANG NG MGA TINATAWAG NATING INFORMAL SETTLERS, O
YUNG MGA SQUATTERS. AYON SA 2002 ANNUAL POVERTY INDICATORS SURVEY
(APIS) NG NATIONAL STATISTICS OFFICE, MAYROON TAYONG MAHIGIT NA 500
THOUSAND INFORMAL SETTLERS SA BANSA. 51 PERCENT NITO AY NASA
NATIONAL CAPITAL REGION (NCR), REGION IV AT REGION VI.
ALAM NA ALAM
NATIN KUNG ANONG URI NG BUHAY MAYROON ANG MGA PAMILYANG ITO. SILA
AY KARANIWANG NAGSISIKSIKAN SA MGA SUBSTANDARD NA TIRAHAN NA WALANG
SAPAT NA TIBAY PARA TUMAGAL NANG HANGGANG LIMANG TAON. NAGTATAGAL
NA LANG ANG MGA BAHAY NA GANYAN SA PATAGPI-TAGPI AT PATAPAL-TAPAL.
ITO AY NASA
MGA URBAN SLUMS, KUNG SAAN WALANG ACCESS SA MALINIS NA TUBIG, HEALTH
CENTERS, MGA PAARALAN AT IBA PANG MGA KINAKAILANGANG SERBISYO AT
FACILITIES.
KAYA
NAPAKAHALAGA NG ISANG MATIBAY, EPEKTIBO AT SUSTAINABLE NA PROGRAMA SA
PABAHAY UPANG MABIGYAN NG SEGURIDAD SA PANINIRAHAN ANG MGA PAMILYANG
ITO. AT KASABAY NIYAN AY ANG PAGKAKAROON NILA NG DIGNIDAD SA
BUHAY AT PAG-ASANG TULUYANG MAKAAHON MULA SA KAHIRAPAN.
MAS MASARAP
NGA NAMANG MANGARAP KUNG MAAYOS ANG IYONG TULUGAN, AT WALANG BUTAS ANG
IYONG BUBONG.
BUKOD PA SA
KAPANATAGAN AT MAS MAAYOS NA LIVING CONDITIONS, MAY ISA PANG MAHALAGANG
BENEPISYO ANG PAGKAKAROON NG SHELTER SECURITY, AT IYAN AY SA
KABUHAYAN MISMO NG MGA MAHIHIRAP.
ANG ATIN PONG
PAMAHALAAN, LALO NA ANG PRESIDENTE, AY MATIBAY NA NANINIWALA SA
PRINSIPYO NG PERUVIAN ECONOMIST NA SI HERNANDO DE SOTO, NA ANG PAG-AARI
NG LUPA AY KATUMBAS NG ECONOMIC EMPOWERMENT PARA SA MAHIHIRAP.
ITO AY DAHIL
ANG LUPA AY HINDI LAMANG NAGBIBIGAY NG SEGURIDAD SA PANINIRAHAN, KUNDI
MAAARI RING GAWING KOLATERAL PARA MAGKAROON NG PUHUNAN SA NEGOSYO.
MAY KASABIHAN
PO TAYO NA "CHARITY BEGINS AT HOME." NGAYON PO, IDAGDAG NATIN
DIYAN ANG KASABIHANG, "PROGRESS BEGINS WITH HOMEOWNERSHIP."
KAYA NAMAN
ISA SA MGA NAGING HAKBANG NG GOBYERNO AY ANG MALAWAKANG PAMAMAHAGI NG
MGA IDLE LAND SA MGA INFORMAL SETTLERS UPANG MABIGYAN SILA NG
PAGKAKATAONG MAGMAY-ARI NG LUPA'T BAHAY.
MAY ISA PA
PONG DIREKTANG KAHALAGAHAN ANG PABAHAY SA EKONOMIYA.
SIGURO AY
MADALAS NA RIN NATING NARIRINIG NGAYON ANG TINATAWAG NA "HIGH
MULTIPLIER EFFECT" NG SEKTOR NG PABAHAY. ANG BAWAT PISONG
GINAGASTOS SA PABAHAY AY MAY KATUMBAS NA 16.6 PESOS NA NAIDARAGDAG SA
ATING GROSS NATIONAL PRODUCT.
ITO AY DAHIL
SA ANG PABAHAY AY MARAMING MGA KAUGNAY NA INDUSTRIYA. SA BAWAT
ISANG BAHAY NA ITINATAYO, KAILANGAN NG MGA MATERYALES GAYA NG SEMENTO,
BAKAL, KAHOY, PAKO, YERO AT MARAMI PANG IBA.
KAILANGAN DIN
ANG MGA TRABAHADOR, PARA BUUIN ANG BAHAY. ANG PABAHAY AY ISANG
LABOR-INTENSIVE ACTIVITY NA MAY POTENTIAL NA MAGBIGAY NG TRABAHO SA
MAHIGIT ISANG MILYONG URBAN AT RURAL CONSTRUCTION WORKERS.
ANG PAGBUO NG
ISANG LOW-COST HOUSING UNIT, HALIMBAWA, AY NANGANGAILANGAN NG WALONG
KATAONG NAGTATRABAHO SA LOOB NG TATLONG LINGGO, O KABUUANG 124 MAN-DAYS.
KAPAG NABUO
NA ANG BAHAY, KAILANGAN NAMAN ITONG PINTURAHAN AT PAGANDAHIN. AT
KAPAG HANDA NANG TIRHAN ANG BAHAY, KAILANGAN NAMAN ANG MGA FURNITURE AT
IBA PANG KAGAMITAN.
ANG
SUMA-TUTAL, SA PAGPAPATAYO NG MGA BAHAY AY ANG PAGKAKAROON NG AKTIBONG
KOMERSIYO, MARAMING NEGOSYO AT TRABAHO, KATUMBAS NG DAGDAG NA KITA.
HOUSING
STRATEGIES
TUNAY NGANG
NAPAKAHALAGA NG PABAHAY, KAYA NAMAN SA ATING MEDIUM TERM PHILIPPINE
DEVELOPMENT PLAN AY MALINAW NA BINALANGKAS ANG PLANO NG GOBYERNO PARA
SA NATIONAL SHELTER PROGRAM.
SA ILALIM
NITO AY MAYROON TAYONG APAT NA ISTRATEHIYA.
UNA AY ANG PALAWAKIN ANG
PARTISIPASYON NG PRIBADONG SEKTOR SA CONSTRUCTION AT FINANCING NG
SOCIALIZED AT LOW COST HOUSING UNITS.
PANGALAWA AY ANG PATULOY NA
PAGTUTOK SA HOUSING NEED NG INFORMAL SECTORS.
ISA SA MGA
PANGUNAHING HAKBANG DITO AY ANG PAGPAPAUNLAD PA NG MGA SUBOK NANG
MULTI-STAKEHOLDER AT COST-EFFECTIVE HOUSING PROGRAMS. KABILANG NA
RITO ANG COMMUNITY MORTGAGE PROGRAM, AT SIYEMPRE, ANG GAWAD KALINGA.
KASAMA RIN
DITO ANG PATULOY NA SECURE TENURE CAMPAIGN, PAGSASAAYOS NG LAND
REGISTRATION, MGA ALTERNATIBONG TENURE ARRANGEMENTS, RELOCATION NG MGA
INFORMAL SETTLERS, AT PAGSUPORTA SA MGA PROYEKTO NG LGUS AT NG
PRIBADONG SEKTOR.
PANGATLO AY ANG PATULOY NA
PAGPAPALAKAS SA MGA KEY SHELTER AGENCIES SA ILALIM NG HUDCC.
KASAMA RIYAN ANG ISINUSULONG NATING RESTRUCTURING AT STREAMLINING PARA
MAGING MAS COST-EFFICIENT ANG PAGPAPATAKBO NG MGA AHENSYANG ITO, AT ANG
PAGPAPATAAS NG COLLECTION EFFICIENCY SA MGA HOUSING LOANS.
ANG PANGHULI AY ANG
PAGPAPALAWAK SA KAKAYAHAN NG MGA LGUS NA MAGPATUPAD NG SARILI NILANG
PROGRAM SA PABAHAY. ISINUSULONG NATIN ANG GANAP NA
DISENTRALISASYON UPANG MAPALAWIG PA ANG KAKAYAHAN, RESPONSIBILIDAD AT
ACCOUNTABILITY NG LGUS SA URBAN DEVELOPMENT, PLANNING AT IMPLEMENTASYON
AT PAMAMAHALA NG HOUSING SERVICES, KAUGNAY DIN NITO ANG PAGTATATAG NG
LOCAL HOUSING BOARDS SA BAWAT SIYUDAD AT BAYAN, AT PAGPAPABILIS NG
PROSESO SA PAGKUHA NG PERMITS AT LICENSES, AT MAGING NG HOUSING LOANS.
THE
KEY ROLE OF GK AND ITS PARTNERS IN THE PRIVATE SECTOR
IYAN PO ANG
"GAMEPLAN" NG GOBYERNO SA PABAHAY. PERO PAGDATING SA AKTUWAL NA
LARO, HINDI LAMANG PO KAMI ANG NASA COURT. LAHAT PO TAYO
MAGKAKASAMA SA ISANG TEAM.
KAYA NAMAN
GAYA NG NABANGGIT KO KANINA, KABILANG ANG GAWAD KALINGA SA MAJOR
PARTNERS OR STAKEHOLDERS NG GOBYERNO SA PROGRAMANG PABAHAY. WE
RECOGNIZE YOUR ROLE IN THE PROVISION OF HOUSING ESPECIALLY FOR THE
POOREST OF THE POOR.
MATAGAL-TAGAL
NA RIN ANG PARTNERSHIP NG HUDCC AT GAWAD KALINGA, SIMULA PA DOON SA
BAGONG SILANG AT SA TOWERVILLE, NA PAWANG MGA RELOCATION SITES NG
NHA. AT SA PAGSASAMANG IYAN AY PINAGTIBAY NG GK ANG PAPEL NITO SA
PAGBUO NG ISANG MATATAG AT MAKABULUHANG SHELTER PROGRAM PARA SA
PILIPINO. MALAKI DIN ANG TULONG NG HOUSING UNITS AT INCREMENTAL
REQUIREMENTS.
AT TUNGKOL SA
REQUEST NG GK FOR LOT ALLOCATION SA TOWERVILLE, NAPAG UTUSAN KO NA SI
HNA GENERAL MANAGER FEDERICO LAXA NA ISAAYOS NA ANG AGREEMENT PARA SA
PAG ASSIGN NG LUPA NA TATAYUAN NG DAY CARE CENTER NG GK.
ANO NA NGA BA
ANG PAPEL NG GK?
UNA, SIYEMPRE, AY BILANG
BUILDER, O TAGAPAGTAYO NG MGA BAHAY AT KOMUNIDAD.
AYON SA
STATISTICS NA AMING NAKUHA MAHIGIT 16,000 NA ANG NAIPATAYONG BAHAY NG
GK SA IBA'T IBANG GK COMMUNITIES SA BANSA.
AT NGAYON, SA
ILALIM NG GK 777 AY MAS MALAKI PA ANG TARGET NG GK: 700,000 NA BAHAY SA
7,000 COMMUNITIES SA LOOB NG PITONG TAON.
PANGALAWA, MARAMI RING
PROYEKTONG ANG GK PARA MASAAYOS ANG MGA SLUM COMMUNITIES.
SA NGAYON,
ANG MGA AHENSYA NG PABAHAY SA ILALIM NG HUDCC AY NAKIKIPAGTULUNGAN SA
GK AT MGA PARTNERS NITO PARA SA SLUM UPGRADING, TULAD NG GINAGAWA
NINYO SA SMOKEY MOUNTAIN HOUSING PROJECT.
HINDI LAMANG
MAAYOS NA TIRAHAN ANG SINISIGURO NG GK, KUNDI PATI KALUSUGAN, EDUKASYON
AT KABUHAYAN NG MGA TAO SA KOMUNIDAD.
PANGATLO, ANG
GAWAD KALINGA AT TUMUTULONG PARA TUKUYIN ANG MGA PROYEKTONG PABAHAY NA
MAARING PONDOHAN NG GOBYERNO. DAHIL SA GRASSROOTS APPROACH NG GK
AY MADALI ITONG NAKAKAPAGTURO KUNG SAAN KINAKAILANGAN AT MAS MAGIGING
KAPAKI-PAKINABANG ANG HOUSING PROJECT PARA SA MAHIHIRAP.
ANG PAG-IBIG
FUND AT NAGLAAN NA NG 300 MILLION PESOS HOUSING LOAN FACILITY PARA DIN
SA GK INITIATED PROJECT.
INAPPROVE
NA RIN NG HLURB ANG MAGING COMPLIANCE TO 20 PERCENT
SOCIALIZED HOUSING ANG GK PROJECTS. SA KATUNAYAN, NAPAG ALAMAN KO
KAY MR. MELOTO NA NAKAKUHA NA ANG GK NG 5 CERTIFICATES OF 20 PERCENT
COMPLIANCE FOR 577 HOUSES. AT SIMULA LANG ITO.
PANG-APAT, ANG GAWAD
KALINGA AY "RESOURCE MOBILIZER."
ALAM NAMAN PO
NATIN NA LIMITADO ANG PONDO NG GOBYERNO, KAYA'T ANG PABAHAY, BAGAMA'T
ITINUTURING NA MATAAS NA PRAYORIDAD, AY KAPOS DIN SA RESOURCES KUNG
TUTUUSIN. KAYA NAPAKAHALAGA PARA SA GOBYERNO NA HIKAYATIN ANG
IBANG SEKTOR NA MAG-AMBAG SA PABAHAY.
AT NAPAG
ALAMAN NGA NATIN NA SA LUNES, OKTUBRE 10, CONGRESSMAN ESCUDERO WILL
PRESENT HOUSE RESOLUTION 69 ENDORSING GK AS A PRIORITY PROJECT OF
CONGRESS. DI BA'T NAPAKAGANDANG BALITA NITO? THIS GOES TO
SHOW THAT WE CAN GO BEYOND OUR POLITICAL DIFFERENCES FOR A WORTHY CAUSE
THAT WILL HAVE AN IMPACT ON THE LIVES OF THE POOREST AMONG US.
NAKIKITA RIN
NATIN NA NAPAKARAMI NA NGAYONG AKTIBONG PARTNERS NG GK, NA KUMAKATAWAN
SA HALOS LAHAT NG SEKTOR NG LIPUNAN. NANDIYAN ANG MGA PRIBADONG
KOMPANYA NA SUMASALI SA GK BILANG BAHAGI NG KANILANG CORPORATE SOCIAL
RESPONSIBILITY PROGRAM. ANG MGA EMPLEYADO MULA SA MGA AHENSYA NG
GOBYERNO NA NAG-AAMBAG NG KANILANG TULONG ---TULAD NG GINAWA NAMIN SA
SHELTER SECTOR NOONG DISYEMBRE PARA SA MGA NAWALAN NG TAHANAN SA
PROBINSIYA NG AURORA, ORIENTAL MINDORO AT QUEZON NG SINALANTA NG BAGYO.
ALAM KO RIN
NA MARAMI SA ATING MGA KABABAYAN NA NASA IBANG BANSA ANG AKTIBO NA RIN
SA GK. MAYROON NANG GK YOUTH, NA PINANGUNGUNAHAN NG MGA KABATAANG
LIDER MULA SA IBA'T IBANG UNIBERSIDAD. PATI MGA IBANG BANSA, GAYA
NG MALTA, AY NA-INSPIRE NA RING TUMULONG.
MAGING ANG
MGA TAO MISMONG TINUTULUNGAN NG GK AY HINDI LAMANG BASTA MGA
BENEPISYARYO KUNDI AKTIBO RING NAG-AAMBAG SA PAGBUO NG SOLUSYON.
AT DITO SA GK
AY WALANG PULITIKA, WALANG PRO O ANTI, DAHIL ANG LAHAT AY HANDANG
TUMULONG, KAHIT SAANG PARTIDO GALING.
KAYA NAMAN
PARA SA AKIN, ANG PINAKAMAHALAGANG PAPEL NG GK AT MGA PARTNERS NITO, AY
HINDI LAMANG SA PABAHAY KUNDI PATI SA BUHAY NG ATING BANSA AT BILANG
ISANG MODELO NG PAGKAKAISA.
SA PANAHONG
ANG MGA PILIPINO AY TILA PINAGHAHATI-HATI NG MGA MALALIM NA ISYUING
NAKAUGAT SA PULITIKA, NAPAKAHALAGA NG LARAWAN NG PILIPINO NA
IPINAPAKITA NG GK.
ANG GK AY
HINDI LAMANG MODELO NG EPEKTIBONG PROGRAMANG PABAHAY, KUNDI MODELO NG
MAKABULUHANG PAGKA-PILIPINO. ITO ANG BAGONG MUKHA NG BAYANIHAN,
ISANG LIKAS NA UGALING PINOY.
NAPAKAGANDA
PO NG MENSAHE NG GK SA ATIN. LESS FOR SELF, MORE FOR OTHERS,
ENOUGH FOR ALL.
MATIBAY ANG
AKING PANINIWALA NA MALULUTAS NATIN ANG KAHIRAPAN, DAHIL MAY SAPAT NA
YAMAN ANG PILIPINAS PARA SA LAHAT. KAGAYA NG IPINAPAKITA NG GK,
MAYAMAN ANG ATING BANSA DAHIL MAYAMAN TAYO SA MGA BAYANI.
MARAMING
SALAMAT PO AT MAGANDANG UMAGA.
©
Copyright
2005
Office of the Vice President (OVP)
Management Information Services
Division (MISD). All rights reserved.
|