SPEECH
OF VICE PRESIDENT NOLI DE CASTRO
12th NATIONAL PRINTERS CONVENTION
SEPTEMBER 21, 2005
the
officers and members of THE
PRINTING INDUSTRIES ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES OR piap;
Ladies
and gentlemen, good
morning:
I
would like to extend my warmest
congratulations to the PIAP on the
holding of your 12th National Printers Convention.
this
is INDEED a good time for
you in the private sector and for us in government to look at the present state and future directions of
the
printing industry.
Pamumuno ng PIAP
Ako
ay natutuwa sa ipinamalas na
pamumuno ng PIAP sa printing industry. Sa
loob ng mahigit apat na dekada, naipakita
ninyo ang inyong
walang-pagod na pagsusulong sa kaunlaran ng inyong industriya, ng mga
allied
industries, at ng buong bayan.
Masuwerte
kayo sa pagkakaroon ng
mga masisigasig na lider at masisipag na miyembro ng PIAP, na palaging
nakikipag-ugnayan sa gobyerno para sa ikabubuti ng lahat SA INYONG INDUSTRIA.
At
ang gobyerno ay tumatanaw din
sa inyong mga naitutulong SA PAGPAPALAGANAP NG PAMBANSANG EKONOMIYA. Kaya naman noong nakaraang Hunyo pa lamang,
naitakda na sa bisa ng Presidential Proclamation No. 870 ang buong
linggo ng
September 19 TO 25 bilang “Printing Industry Week” IN RECOGNITION OF
THE
SIGNIFICANT ROLE OF THE PRINTING INDUSTRY IN THE RECORDING, PROCESSING AND DISSEMINATING OF KNOWLEDGE AND
INFORMATION.
Pagharap
sa Kompetisyon
Ngayon
ay muli na naman tayong
nagtitipon upang pag-usapan ang magiging direksiyon ng printing
industry sa mga
darating pang panahon.
Talagang
angkop sa ating
kasalukuyang sitwasyon ang inyong tema sa convention na ito:
“overcoming the
challenge of a competitive business.”
Unang-una,
tama ang
inyong pananaw sa kompetisyon bilang isang pagsubok na dapat harapin. Malaki na ang ipinagbago ng ating ekonomiya
at ng ekonomiya ng buong mundo sa loob
ng mga nakaraang dekada.
Noon,
ang labanan ay kung paano
mapo-proteksiyunan ang mga industriya. Pagalingan mag-lobby sa
gobyerno. Pataasan
ng taripa. Kalimitan meron pang mga quantitative restrictions.
Ngayon,
nalipat na ang labanan sa
agawan ng market share. Pagalingan ng produkto. Pababaan ng presyo.
Pabilisan
ng pagdeliver. Kung kaya mong gumawa ng
pinakamaganda at pinakamurang produkto sa pinakamabilis na paraan,
malaki ang
lamang mo. Ganyan ang kompetisyon.
Ikalawa,
angkop
rin ang inyong napiling tugon sa pagsubok ng kompetisyon.
Tama kayo: “the
only way to deal with a competitive
business . . . is to compete
well.” And this is a challenge that the
printing industry must learn to overcome.
Malaki
ang aking paniniwala na
may kakayahan ang ating printing industry na makipag-kompetensiya sa
pinakamagagaling na printers sa buong mundo. May
kakulangan man tayo sa kagamitan, o
naiiwan man ng konti sa
teknolohiya, hindi naman matatawaran ang sipag, tiyaga, at talino ng
mga
Pilipino sa larangan ng printing.
Gayunpaman,
mahigpit ang
kompetisyon. Bukod sa sipag, tiyaga, at talino, kAILANGAN
din natin ng makina, teknolohiya, at merkado.
Sinusuportahan
ko ang inyong mga
ginagawang pag-aaral sa mga bagong trends sa printing technology at ang
pag-upgrade ng inyong mga printing equipment. Gayundin ang pagpapalakas
ng
inyong market presence, lalo na sa ibang bansa, at ang pagpapasikat sa
mga
Philippine brands.
kAILANGAN
natin ang mga ito upang
higit tayong maging epektibo sa kumpetisyon.
Closing
Mga
kaibigan sa PIAP, marahil ay
marami pang mangyayari sa business environment na di natin kayang
mahulaan. Subali’t palagay ko ay may
isang bagay na hindi natin maiiwasan --- at ito ay ang patuloy na
pagtindi ng
kompetisyon --- LALO NA SA GLOBAL MARKET.
AKO
AY NAGAGALAK, DAHIL SA INYONG
INITIATIVE, ay gumagalaw na ang printing industrY patungo sa landas ng
kompetisyon. I WOULD LIKE TO SEE THE
INDUSTRY GETTING A SECURE NICHE IN THE
GLOBAL PRINTING MARKET SOONEST. Sa panig
ng gobyerno, asahan ninyo ang aming
patuloy na suporta at maigting na pakikipag-ugnayan sa inyo. AKO MISMO, KASAMA NG PANGUNAHING AHENSIYA
MANDATED TO ASSIST YOU --- TULAD NG DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY --- AY NAKAHANDANG TUMULONG PARA MAISULONG ANG
INYONG MGA PROPOSALS, LALO NA KUNG ANG MGA ITO AY MAKAPAGBIGAY SUPORTA
SA
LALONG PAGLAGO NG PRINTING AND ITS ALLIED INDUSTRIES.
THIS IS A CONCRETE RECOGNITION OF YOUR
IMPORTANT ROLE IN NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT.
Sama-sama
nating harapin ang
bukas. sama-sama tayong makibaka sa
pandaigdigang merkado. At sama-sama rin tayong magtagumpay. SA PAGKAKAISA LAMANG NATIN MAKAKAMIT ANG STABILITY, VIBRANCY AND COMPETITIVENESS NG
PRINTING INDUSTRY.
Maraming
salamat po AT MULI
MAGANDANG HAPON SA INYONG LAHAT.
©
Copyright
2005
Office of the Vice President (OVP)
Management Information Services
Division (MISD). All rights reserved.
|