star Kabayan Noli De Castro OVP
Press Release
Speeches
Photo Gallery
Back to home page

OVP email


V Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC)

V National Anti-Poverty Commission (NAPC)

V www.senate.gov.ph


V www.kabayannoli.com

































Kabayan Forum
Speeches

Keynote Speech of

VICE PRESIDENT NOLI DE CASTRO

11th TESDA Anniversary Celebration

25 August 2005



      Ladies and gentlemen, good afternoon.

            I am pleased to join you today as we celebrate the 11th anniversary of the Technical Education and Skills Development Authority. I would like to congratulate the TESDA officers and employees, led by DIRECTOR-GENERAL AGUSTO “BUBOY” SYJUCO, for eleven years of service and commitment to technical education. 

honoring the partners

Ipinaabot ko rin ang aking mainit na pagbati sa mga local government executives na nandito ngayon.  kasama natin silang sumusubaybay sa pagsulong ng technical education sa kanilang mga bayan. kayo po sa mga local governments ang matibay na sandigan ng national government sa pagtataguyod ng isang mas maunlad na bansa.

binabati ko RIN ang mahigit anim na libong trainees mula sa National Capital Region na nagsama-sama dito para sa Trainees Day.  Kayo at ang inyong mga pamilya ang dahilan kung bakit tayo nagsusumikap na itaguyod ang technical at vocational education.   ang lahat nang ito ay para sa inyo, bayan!

BILANG PAGPUPUGAY AT  PAGBIBIGAY HALAGA SA PAPEL NA GINAGAMPANAN NG TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT PARA MAPALAWAK ANG OPORTUNIDAD PARA SA ATING GLOBALLY COMPETENT FILIPINO WORKFORCE, ANG PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO AY NAG ISSUE NG PROCLAMATION NO.  894 “DECLARING AUGUST 21-27, 2005 AS NATIONAL TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT WEEK.”

 

celebrating success

MARAMI TAYONG activities TO COMMEMMORATE THIS MOMENTOUS DAY.  Kanina ay iginawad ng TESDA ang iba’t-ibang awards --- sa  MGA MODEL EMPLOYEES NG TESDA NAWA’Y IPAGPATULOY NINYO ANG MATAPAT NINYONG PAGLILINGKOD AT MAGING HUWARAN KAYO NG IBANG KAWANI NG ATING PAMAHALAAN; SA MGA PARTNERS NG TESDA NA TUMANGGAP NG KABALIKAT AWARDS --- HUWAG KAYONG MAWALAN NG SIGLA AT SIGASIG NA TUMULONG SA ATING PAMAHALAAN SA PAGBIBIGAY NG TAMANG PAGSASANAY AT EDUKASYON SA ATING MGA KABABAYAN BILANG PAGHAHANDA SA KINABUKASAN; AT SA MGA PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY OUTSTANDING FILIPINO WORKERS AWARDEES,   MGA KABABAYAN, MAIPAGMAMALAKI KAYO SA TAGLAY NYONG KAKAYAHAN AT NAWA’Y TULOY-TULOY KAYONG MAGING HUWARAN NG ATING KABATAAN.

MGA KABABAYAN HINDi BA’T NAKAKATABA NG PUSO ANG MAPABILANG SA LAHING KAYUMANGGI?  KAYA’T TAAS NOO NATING IPAGMALAKI ANG ATING MGA KABABAYAN NA NAGTATAGUMPAY SA KANI-KANILANG PINILING LARANGAN.

Inilunsad din NGAYONG ARAW NA ITO  ang Ladderization and Equivalency Program na itinaguyod ng Executive Order No. 358.  Binisita ko rin kanina ang inyong Youth Profiling for Starring Careers. 

SADYANG Naging busy ang ating mga kasama sa TESDA nitong mga nakaraang taon at buwan. Kahanga-hanga ang inyong mga ginagawa para sa pagyabong ng technical education sa pilipinas. Kaya naman talagang marami tayong dapat ipagdiwang sa inyong iKA LABING ISANG  anibersaryo.

productivity and development

            May mga pag-aaral na nagsasabing malaki ang KONTRIBUSYON ng productivity sa paglago ng isang bansa.  At ang productivity na ito ay nakaugat una sa teknolohiya at ikalawa sa magagaling na manggagawa. Sa aspetong ito lumulutang ang halaga ng technical education.

Tutoo po na ang edukasyon ang daan upang maka-ahon ang isang bansa sa kahirapan.  Subalit alam naman natin na ang edukasyon ay hindi sa kolehiyo lang nakukuha. Nakukuha rin ito sa technical education at sa on-the-job training o ang pag-aaral habang nagtatrabaho.  At para sa akin, hangga’t parehong nagtatrabaho at nakakatulong sa pamilya at pamayanan, ang mga kumuha ng technical education ay kapareho DIN ng mga nag-aral AT NAGTAPOS sa kolehiyo. 

LET US LOOK AT  OUR POTENTIALS. WE HAVE A COMPARATIVE ADVANTAGE IN INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY (ict). AS ONE STUDY SHOWS, ICT IS CONSIDERED AS ONE OF THE COUNTRY’S MARKET NICHE GIVEN ITS HIGH POTENTIAL FOR GROWTH AND CONTRIBUTION TO EMPLOYMENT.  THIS IS RIGHTLY SEEN IN THE FACT THAT OUR COUNTRY IS FAST EMERGING AS ASIA’S HUB IN ELECTRONIC SERVICES.

ANG ISA PANG E-SERVICE NA DAPAT NATING PAGHANDAAN AY ANG SUMISIKAT AT IN-DEMAND NA MEDICAL TRANSCRIPTION service KUNG SAAN TINATAYANG MAGBIGAY NG KATUGUNAN SA EMPLOYMENT PROBLEM NG ATING BANSA. MALAKI ANG DEMAND FOR MEDICAL TRANSCRIPTION SERVICE  SA NORTH AMERICA LALO NA U. S. OUR COUNTRY IS A PRIME CHOICE IN PROVIDING THIS KIND  OF  SERVICE   GIVEN   OUR FAMILIARITY WITH AMERICAN MEDICAL STANDARDS, TERMINOLOGY AND PRACTICES.

NANGUNGUNA RIN TAYO SA LARANGAN NG MARITIME INDUSTRY .  SABI NGA NILA, ANG FILIPINONG MARINO AY  MAKIKITA MO SA HALOS LAHAT NG SULOK NG MUNDO.

Mga kaibigan, malaki ang pangangailangan para sa mga magagaling na technicians at vocational workers hindi lang sa Pilipinas kundi pati na sa ibang bansa.  Marahil, ilan sa inyo ay nangangarap na balang-araw ay makapag-abroad din --- kumita ng dollars, EUROS, DINAR o lapad, at mabigyan ng mas masaganang buhay ang inyong mga pamilya.

Subali’t saan man kayo mapadpad, sa isang factory man sa labas ng Maynila o kaya’y sa labas ng bansa, sana’y maging matapat at masipag kayong manggagawa. ang sipag at katapatan,  kasama ng inyong mga natutunan sa iba’t-ibang training programs, ang inyong tulay sa magandang KINABUKASAN.

From Trainees to Workers

            Mga trainees ng TESDA, gamitin sana ninyo ang pagkakataong ibinigay sa inyo ng ating pamahalaan. 

Ngayon ay kasama na kayo sa liga ng mga manggagawang may natatanging skillS --- mga kakayahan na sa hinaharap ay magagamit ninyo upang MAGING GAINFULLY EMPLOYED.

Gamitin ninyo ang inyong natutunan upang makatulong sa pag-unlad ng inyong mga pamilya, ng inyong mga komunidad,  at ng ating bansang Pilipinas.

You have been trained well. Now it is time for you to show that you are truly good workers, good citizens, and good Filipinos.

Umaasa ako na hindi kami mabibigo sa inyo.

Maraming salamat at magandang hapon sa inyong lahat.

###



gov.ph                                                                                   HOME | back-to-top  

© Copyright 2005 Office of the Vice President (OVP) OVP MISD Management Information Services Division (MISD).  All rights reserved.