SPEECH OF VICE
PRESIDENT NOLI DE CASTRO
KASALANG BAYAN SA BULACAN
AUGUST 25, 2005
Magandang
umaga po, lalung-laluna sa mga bagong kasal!
Mataimtim
na Pangako
Commitment.
Pangako. Buong-buo. Walang atrasan. Yan ang mga tema ng pagdiriwang
natin
ngayong umaga. Matitindi ang binitiwan ninyong kataga sa isa’t-isa. Punung-puno ng pangako para sa kinabukasan.
Sa harap ng Diyos at sa harap ng buong komunidad, nagsumpaan kayo na
magsasama
sa hirap at ginhawa, till death do you part.
Merong mga
nagsasabi na di kayang putulin ang pagkakabuklod ng kasal.
Marahil may punto sila. Ang
pangakong nakaugat sa tunay na
pagmamahalan ng dalawang tao ay Di kayang tapusin ng pagkawala ng tao
sa
mundo.
Kaya
itinuturing ko kayong mga newly-weds bilang ilan sa pinakamasuwerteng
nilalang
sa mundo. May nagmamahal sa inyo, ngayon
at sa hinaharap.
Mga Bilin
ni Ninong
Nagagalak
ako na napakarami pa ring lalaki at babae na handang tumugon sa
commitment ng
kasal dito sa Diocese ng Malolos. At
lalo pa akong natuwa nang malaman kong mga kababayan nating taga-riles
ang
ikakasal.
Alam naman
po ninyo na isa sa mga priority projects ko bilang HUDCC Chairman ang
pagbibigay ng maayos na relokasyon para sa mga taga-riles. Malapit kayo
sa
aking puso. Kaya agad akong nagpaunlak sa imbitasyon sa akin ng Diocese
of
Malolos na maging ninong ninyo ngayong umaga.
Sa aking
pagnininong, maituturing na ninyo ako bilang pangalawang ama. At tulad
ng isang
makulit ngunit mapagmahal na ama, meron din akong mga bilin.
Una,
igalang ninyo ang inyong asawa. Dapat maging instrumento ang kasal
upang higit
ninyong marating ang kabuuan ng inyong pagkatao. Alalahanin
ninyo na hindi kayo nagpakasal
para itali ang inyong sarili at lalong hindi para
magpa-alipin o kaya’y magpa-under. Sabay
ninyong harapin ang buhay, walang iwanan, walang tapakan.
Ikalawa,
palakihin ninyo ang inyong mga anak bilang mabubuting tao. Bigyan ninyo
sila ng
masayang tahanan. Kahit mahirap ang buhay, sikapin ninyong punuin ng
pagmamahal
at pag-unawa ang inyong mga tahanan. Ang
isang masayang tahanan ay ala-alang nakatatak sa isip ng inyong mga
anak
hanggang sa kanilang paglaki.
Ikatlo,
sikapin ninyong magtayo ng isang pamilyang marangal, MAKA-Pilipino, at
Kristiyano. Gawin ninyong sentro ang
inyong pamilya ng mga ugaling Pilipino at paniniwalang Kristiyano. Kung malakas at buo ang pamilya, kahit anong
problema, kahit anong krisis, makakaya nating lagpasan.
At ika-apat,
maging mabuting mamamayan kayo, bilang indibidwal, bilang mag-asawa, at
bilang
buong pamilya. Makibahagi sa mga proyektong pangkaunlaran upang gawing
maayos
at tahimik ang inyong komunidad. Nasa
inyong pagkilos ang ikauunad ng inyong pamayanan.
Ang Bagong
“Tayo”
Sa
kasalang naganap ngayong umaga, nawala na ang ako at ang ikaw. Sa halip
ay
nabuo ang tayo, ang pamilya, ang sabay na pagharap sa mga ligaya at
pagsubok ng
buhay.
Binabati
ko kayong mga bagong kasal. Kapit-kamay ninyong tahakin ang daan
patungo sa
magandang bukas.
I wish you
all the best in the days to come.
Magandang
umaga sa inyong lahat, at mabuhay ang mga bagong kasal!
©
Copyright
2005
Office of the Vice President (OVP)
Management Information Services
Division (MISD). All rights reserved.
|