Kabayan
nakipagdayalogo sa Canada
PAKIKIBAKA
NG RP vs KAHIRAPAN PATULOY - VP NOLI
20 June 2006
PATULOY ang pakikibaka
ng Pilipinas laban sa kahirapan habang naisulong na ng bansa ang
pagpapabuti sa buhay ng mga maralitang Pilipino.
Ito ang ibinunyag ni Vice President Noli 'Kabayan' De Castro sa mga
dayuhan na dumalo sa isang dayalogo na bahagi ng pangatlong sesyon ng
World Urban Forum (WUF3)
na binuo ng U.N. Habitat sa
Vancouver,
Canada.
Ayon kay De Castro. marami pa ang dapat gawin upang mabago ang
pamumuhay ng mga miyembro ng urban poor sa Pilipinas.
Ang dayalogo na tinawag na “Achieving the MDGs: Slum Upgrading
and Affordable Housing” ay nagsimula sa isang kuha mula sa 1990
documentary film “On Borrowed Land” na nagsuri sa urban crisis sa
Manila dulot ng pagbaha ng mga migrante mula sa probinsiya at pagkalat
ng mga squatter sa mga komunidad sa kahabaan ng Manila Bay matapos ang
EDSA.
Nang tanungin kung ano ang naging bunga ng mga hakbang ng pamahalaan
laban sa kahirapan, sinabi ni De Castro na iba-iba ang naging resulta
nito.
“Perhaps the most dramatic symbol is our successful transformation of
the erstwhile icon of urban poverty in the Philippines—Smokey Mountain—into
a commercial and residential center,” ani De Castro.
Pero iginiit ni De Castro na marami pang kahirapan sa bawat sulok ng
bansa ang dapat aksiyunan ng gobyerno.
Ayon kay De Castro, bumaba ang poverty incidence mula 44.2% nuong
1985 hanggang 30.4% noong 2003. Ang bilang ng mahihirap na
pamilya ay patuloy na tumataas dahil sa population growth,
pagluwas sa urban centers, at limitadong resources para maibigay
ang mga pangangailangan ng mga mahihirap.
Ukol sa “voluntary-evictions” na isinagawa ng gobyerno noong nakaraang
taon, nilinaw ni De Castro na ang mga demolisyon at pagpapaalis
ay naiwasan o naipagpabaling kung ang patuloy na pananatili ng mga
informal settlers sa kanilang tinitirahan ay hindi makakadulot ng
panganib sa iba o sa kanilang mga sarili.
Sinabi ni De Castro na hanggat maaari, nireregular ng gobyerno ang
tenure ng mga informal settlers sa pamamagitan ng
presidential proclamations na siyang pinamamahagi bilang lugar ng
socialized housing.
Pinaliwanag ni De Castro na ang “voluntary eviction” ay bahagi ng
“beneficiary-led and localized” resettlement program para sa mga
informal settlers na apektado ng clearing operations para sa
North-South Rail Linkage project. Sa kasalukuyan, nagresulta sa maayos
at tahimik na pag-relocate ng mga pamilya mula sa Phase 1 ng
North Rail alignment ang resettlement program.
Sa pakikipagpulong naman ni De Castro kay U.N. Habitat Executive
Director Anna Tibaijuka matapos ang dayalogo, muling sinabi ng
pangalawang pangulo na todo ang suporta ng Pilipinas sa paghangad ng
layunin ng Habitat agenda maging sa national at international
level.
Pinaasa ni De Castro si Tibaijuka na patuloy na itataas ng Pilipinas
ang mga prinsipyo ng magkakambal na kampanya sa secure tenure at
good urban governance na suportado ng U.N. Habitat. Ilan sa
flagship programs sa ilalim ng twin campaigns ay ang
Community Mortgage Program at Resettlement Program, partikular ang may
80,000 pamilya sa kahabaan ng mainline railway system.
Nagpahayag ng pag-asa si De Castro na kakayanin ng U.N. Habitat
pagalawin ang pondo para sa mga mahahalagang programa tulad ng
Slum Upgrading Facility na importante sa full implementation ng
Habitat agenda at Millennium Development Goals. Pinaabot din ni De
Castro kay Tibaijuka ang Philippine government proposal para maging
host ng fifth session ng World
Urban Forum ang Manila.
Ang World Urban Forum ay isang
biennial gathering na dinadaluhan ng mga
taga suporta nito mula sa non-government organizations, community-based
organizations, urban
professionals at academics, hanggang sa mga gobyerno, local
authorities at national at international associations ng local
governments.
Umabot sa 15,000 katao mula sa iba't-ibang bansa ang dumalo sa WUF3 na
may temang “Our Future: Sustainable Cities – Turning Ideas into
Action”. (END)
Ref no. VPMEDIA 06-071