Tiniyak
ni Kabayan
SILID-ARALAN
PARA SA MGA MAG-AARAL NG SOUTHVILLE, HANDA NA
15 June 2006
Pinawi ni Vice President
Noli
‘Kabayan’ De Castro, kasalukuyang pinuno ng Housing and Urban Development
Coordinating Council (HUDCC), ang mga agam-agam ng mga magulang na
hindi makakapag-aral ang kanilang mga anak sa mataas at mababang
paaralan na inilipat ng tirahan mula sa Southrail sa paghayag ng
kahandaan ng mga silid-aralan para sa kanila.
Vice
President and concurrent HUDCC chair Noli ‘Kabayan’ De Castro checks
preparations for school opening in Southville 1 Cabuyao, Laguna Resettlement
Community for Southrail relocatees. He assured that the school facilities would
be able to accommodate some 3,170 registered Elementary and High School students
when school opens on June 20. Twenty classrooms were built and customized tents
were erected as part of the preparations for the coming school year. These
customized tents will serve as temporary classrooms pending completion of 24
more classrooms in August and additional 36 in October. With Vice President De
Castro is Department of Education officer-in-charge Fe Hidalgo. (6/15/06)
Ayon kay Vice President De Castro, may dalawampung (20) silid-aralan na
ang nakahanda para sa tinatayang 3,170 nakatalang mag-aaral sa
Southville I sa Cabuyao, Laguna-resettlement community para sa
Southrail relocatees. Bukod dito, nagtayo ang National Housing Authority (NHA) ng
dalawampung (20) customized tents na pansamantalang magagamit ng mga
mag-aaral hangga’t hindi pa natatapos ang pagpapagawa ng karagdagang
dalawampu’t apat (24) na silid-aralan na nakatakdang
matapos sa Agosto at talumpu’t anim (36) na iba pa sa Oktubre.
Kasabay nito, pinuri ng Pangalawang Pangulo ang NHA sa pagtatapos ng mga school
facilities sa tamang panahon bago magbukas ang klase sa June 20.
Ipinakikita aniya nito na ang pamahalaan ay malaki ang
pagpapahalaga sa pag-aaral ng kabataan, lalo na yung mga mahihirap.
“Batid ng pamahalaan na gaya
ng pabahay, koryente at tubig, singhalaga ang pag-aaral ng mga kabataan
at sinisikap naming na matugunan ito bilang paghahanda na rin sa
maganda nilang kinabukasan,” ani De Castro.
Vice President and concurrent HUDCC chair Noli ‘Kabayan’ De
Castro inspects conditions of the
classrooms in Southville 1, Cabuyao, Laguna Resettlement community for Southrail
relocatees. Twenty classrooms were prepared and 20 customized tents were erected
to accommodate some 3,170 registered Elementary and High School students when
school opens on June 20. The customized tents will serve as temporary classrooms
pending completion of 24 more classrooms in August and additional 36 in October.
The Department of Education has approved the deployment of forty-five teachers and
two principals before the opening of classes.
With Vice President De Castro is DepEd officer-in-charge Fe
Hidalgo. (6/15/06)
Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga pinunong local sa pamumuno ni
Cabuyao Mayor Nilda Agillo at itinalagang tagapangasiwa ng Kagawaran ng Edukasyon
Undersecretary Fe Hidalgo,
tiniyak din ni De Castro na magdadagdag din ng mga guro sakaling
kakailanganin ito. Sa kasalukuyan, may apatnapu’t limang (45) guro at
dalawang principal ang itinalaga ng Kagawaran ng Edukasyon para
sa pagbubukas ng klase.
"Umaasa akong sa pagsisikap nating ito ay mahimok ang mga dating
nakatira sa riles na magpunyagi para sa mas magandang kinabukasan,"
ayon kay De Castro.
Kasabay nito, pinaalalahanan din niya ang mga taga-Southville I na lalo
pang magsipag dahil hindi kaya ng pamahaalang ibigay sa kanila ang
lahat ng kanilang pangangailangan. Dapat lang aniya na sila ay may
sariling pagsisikap at tiyaga upang malabanan ang paghihirap.
Vice
President and concurrent HUDCC chair Noli ‘Kabayan’ De Castro inspects
the customized tents erected to serve as temporary classrooms in Southville 1
Cabuyao, Laguna Resettlement community for Southrail relocatees. The customized
tents will serve as temporary classrooms pending completion of 24 more
classrooms in August and additional 36 in October. DepEd has approved the deployment of forty-five teachers
and two principals before the opening of classes. About 3,170
Elementary and High School students have registered for Schol Year 2006-2007.
Classes will open on June 20. With Vice President De Castro is DepEd
officer-in-charge Fe Hidalgo. (6/15/06)
"Dapat po ay matuto rin kayong tumayo sa inyong sarili nang sa gayon ay
maging ganap ang inyong panibagong dignidad at prinsipyo sa buhay.
Tinutulungan po kayo ng gobyerno. Sana
naman po ay tulungan ninyo ang inyong mga sarili," paalala niya.
Sa kanilang banda, nangako naman ang mga pinuno ng mga taga-Southville
I na magbuo ng mga kooperatiba upang magkaroon ng sariling pamumuhay na
siya ring magpapatibay sa kanilang pagsasamahan.
Ayon kay, Wenny Esguerra nag-oorganisa na sila ng mga kooperatiba ng
kababaihan bilang tugon na rin sa paghihikayat ng mga pinunong lokal at
mga non-government organizations na tumutulong sa HUDCC. Dinagdag pa ni Esguerra na
ang pagkakaroon ng mga microfinance institutions ay nagbigay sa kanila
ng bagong pag-asa na sila mismo ay makapag-umpisa ng kanilang maliit na
negosyo sa pamamagitan ng pagsama sa mga seminar at out of town
educational trips.
Ref no. VPMEDIA 06-069