TURISMO, KALAKALAN TINALAKAY NI VP NOLI
SA JIANGSU,
SHANGHAI
09 June 2006
TINUON ni Vice President Noli
'Kabayan' De Castro ang pagpapalakas ng turismo at kalakan sa pagitan ng
Pilipinas at Tsina nang kausapin nito ang mga lokal na opisyal ng Jiangsu at
Shanghai sa Peoples Republic of China.
Binisita ni De Castro ang mga
opisyales ng Jiangsu nuong June 7 at mga Shanghai officials naman nuong June 9
upang ipahiwatig ang intensiyon ng Pilipinas na palawakin ang pangkalakalan
relasyon ng dalawang bansa.
Hiningi ni De Castro ang tulong ng dalawang
naturang probinsiya na hikayatin ang mga state-owned companies at iba pang
negosyante nito na magpundar ng pagkakakitaan sa Pilipinas bilang pag-alalay na
rin sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.
“For the past
decade, trade between our two countries has progressed steadily, but we would
like to further increase the Philippines’ share in your foreign trade.”
Pinaliwanag ni De Castro na may mga hakbang na ang Pilipinas upang
manghikayat ng investments sa pamamagitan ng pagdebelop ng imprastraktura,
pagpapadali ng mga proseso, at pagpapakilala ng mga reporma sa polisiya upang
magkaroon ng investment-friendly environment.
Partikular
na tinukoy ni De Castro ang motor vehicle parts at components, electronics,
textile manufacturing at agrikultura kung saan mas kinakailangan ng Pilipinas
ang Chinese investments.
Binanggit
din ni De Castro ang “high-quality professional services sa information
technology, engineering, architectural design and construction
management.
“The Philippines recognizes our countries’ strengths in those
areas, and I hope that businessmen from both sides would explore
opportunities in the two countries,” he said.
Sa kanyang
pagkikipagtalakayan, ipinaabot din ni De Castro ang intensiyon ng Pilipinas na
palakasin ang kooperasyon nito sa Tsina pagdating sa information exchange at
investment promotion networking sa tulong ng mga importanteng ahensiya at
institusyon ng mga Chinese provinces at siyudad.
Sa turismo, nanawagan naman ang
pangalawang pangulo sa mga Intsik na itaas ang Pilipinas bilang tourist
destination. Kailan lamang ay binigyan ng China ang Pilipinas ng Approved
Destination Status (ADS) habang nilalakad naman ng bansa ang mga visa
requirements ng mga Chinese tour groups upang mapaintig ang kampanya ng turismo
sa Tsina.
“Maybe our local travel agents
can forge ties with their counterparts in Jiangsu and Shanghai to spur tourism
traffic between the Philippines and their respective destinations,” De Castro
said.
Dahil na rin sa ang Tsina ay
may mabuting "sister-city relationship" sa Pilipinas na nagiging epektibong
paraan upang mapasigla ang relasyong pangkalakalan at turismo, umaasa si De
Castro na magkakaroon ng sister province ang Jiangsu sa Pilipinas kung saan ang
naturang palitan ay posibleng mapagusapan ng magkabilang panig.”
Ref no. VPMEDIA 06-064