Hiniling
ni VP Noli sa mga Pinoy sa Tsina
KAPIT-BISIG
SA KAHIRAPAN
08 June 2006
HINILING ni
Vice President Noli 'Kabayan' De
Castro sa mga Pilipino sa Tsina na makipagkapit-bisig sa pamahalaan sa
pagsugpo
sa kahirapan, ang numero unong suliranin ng bansa sa kasalukuyan.
Sa kanyang
talumpati sa ginanap na National Day
reception dinner sa JC Mandarin sa Shanghai
kahapon upang gunitain ang pagdeklara ng Philippine
Independence, inamin
ni De Castro na kahirapan ang nananatiling problema ng mga Pilipino.
Subalit sa
kabila nito, iginiit ni
De Castro na nagbunga naman ang mga pangkaunlarang hakbang ng
gobyerno tulad ng mas mataas na kita mula sa expanded value-added
tax
at patitipid sa gastusin. Ipinagmalaki rin ni De Castro ang mas
aktibong
stock market, kontroladong inflation at ang positibong pananaw ng mga
international rating agencies sa ekonomiya ng bansa.
"The
country's macroeconomic figures have
never been this good since the Asian financial crisis," ani De
Castro.
Ayon
sa pangalawang
pangulo, kinakailangan pa rin na maramdaman ng mga Pilipino ang
benepisyo
ng pag-unlad at nangangahulugan ito ng mas maraming daan, tulay,
paaralan,
ospital bahay, pasilidad para sa transportasyon, trabaho at mga
pangunahing
pangangailangan at marami pang iba na inaasahan ng mga
sambayanang
Pilipino mula sa gobyerno.
Pero sinabi
ni De Castro sa Filipino community na huwag mag-alala sapagkat
nakikipagtulugan naman ang bansa sa pamahalaan ng Tsina upang matupad
ang mga
nabanggit na mga proyekto.
“I call on
all of you, my countrymen, to link arms with us so that we
can
attain our destiny—a progressive and peaceful Philippines.”
Dinaluhan
din ni De Castro ang isang hapunan sa Beijing nuong June 6 na ginawa ni Philippine Ambassador Sonia C. Brady. Sa nasabing
okasyon
kung saan nakipagpanayam ang pangalawang pangulo sa mga Pilipinong
negosyante,
propesyonal at estudyante, hinimok niya ang mga ito na tulungan
hindi
lamang ang kanilang mga sarili kundi pati na rin ang bansa para sa
national
pride at honor.
Ipinaliwanag
ni De Castro na habang may mga
naiiwang problema na humahadlang sa kaunlaran ng Pilipinas, tinatanaw
niya
naman ito bilang senyales ng buhay ng demokrasya.
“I am
confident that our people will continue to build on our successes
in the
years to come. And I hope that you will join us in building a stronger
and
better Philippines,”
he added.
Ref no. VPMEDIA 06-062