Refer
to: Ms. Ronadale Zapata
8332148
Hirit ni VP sa PM at VP ng Tsina
CHINESE INVESTMENTS SA RP
DAGDAGAN
06 June 2006
BAGAMAT marami nang investments ang naisulong ng Tsina sa
Pilinas, kulang pa ang mga ito at kinakailangan pang madagdagan upang
tuluyang mapasigla at maibangon ang ekonomiya ng bansa.
Ito ang naging
sentro ng pakikipagtalakayan ni Vice President Noli 'Kabayan' De Castro kina
Prime Minister Wen Jiabao at Vice President at Zeng Qinghong ng Peoples'
Republic of China nang magtungo ang pangalawang pangulo sa Tsina para sa
isang official state visit.
Sa kanyang pakikipag-usap sa dalawang
Chinese officials, ipinangako ni De Castro ang tapat na hangarin ng
Pilipinas na pagibayuhin ang relasyon ng bansa at Tsina ngunit iginiit din
nito na kailangan pa ng mga Pilipino ng tulong sa usaping kalakalan pati
na rin sa infrastructure development, agriculture, fisheries, housing at
mining.
Ayon kay De Castro, nasa P82.3 milyon ang naging investment ng
China sa bansa sa unang tatlong quarter ng 2005 at ito ay 0.14% lamang ng
kabuuang foreign investments sa nasabing panahon.
Bukod dito, hinimok
din ni De Castro, na siya ring concurrent chairman ng Housing and Urban
Development and Coordinating Council (HUDCC), ang mga Intsik na maglagay
ng investments ang Tsina sa pabahay ng bansa upang matulungan ang mga
Pilipino na makahabol sa malawak na pangangailangan ng pabahay.
Bilang
nangangalaga sa paglikas ng informal settlers na apektado ng Rail Linkage
Project, siniguro ni Vice President de Castro sa bansang Tsina ang commitment
ng bansang Pilipinas na tapusin ang Northrail Project.
Muling
pinaabot ni De Castro kay Wen and Zeng ang hiling ni President Gloria
Macapagal-Arroyo sa China na magbigay din ng tulong pinansiyal para sa
Main Line South project na siyang magpapaayos ng riles papuntang Bicol
region.
“This will spur economic and social development and boost
tourism in that area.”
Pumirma ang Philippine National Railways (PNR)
ng kasunduan sa China National Technical Import Export Corporation (CNTIC)
nuong April 2005 para sa Main Line South project.
Sinabi rin ni De
Castro kay Premier Wen na may paghahanda na para sa pagbisita ng huli sa
Pilipinas sa Disyembre ngayong taon.
Ibinunyag ni De Castro na may
posibilidad na magkaroon ng kasunduan sa may 10 lugar ng kooperasyon
kabilang dito ang energy, customs, inspection and quarantine gayun na rin
ang framework para sa economic partnership sa susunod na 10
taon.
“China is one of our most important partners and neighbors. Our
partnership with them has grown by leaps and bounds since the establishment
of diplomatic ties in 1975, but there are areas of cooperation that we
still need to work on to address our common concerns,” he said.
Ref no. VPMEDIA 06-060
©
Copyright
2006
Office of the Vice President (OVP)
Management Information Services
Division (MISD). All rights reserved.
|