Refer to: Ms. Dale Zapata
8332148
KABAYAN
SALUDO SA PINOY MOUNTAINEERS
16 May 2006
“Walang bundok na mataas
para sa Pinoy!”
THE
CONQUEROR, Leo Oracion hones his mountaineering skills at Muztagh Ata in
Tibet, China, on April 7, making it to its summit of 24,757 feet where he
planted the Philippine colors. FIRST PHILIPPINE MT. EVEREST EXPEDITION (Photo
and Caption Source: Inq7.net) 5/18/06
Ito ang naging pahayag ni
Vice President Noli ‘Kabayan’ De Castro matapos marating ng
mga Pinoy mountaineers ang
Mt.
Everest sa Nepal
kahapon.
Ayon kay De Castro, hindi na umano nakakapagtaka ang
tagumpay na nakamit nina Leo Oracion at Erwin Emata sa
pagakyat sa pinakamataas na bundok sa mundo dahil marami
nang napatunayan ang mga Pinoy na ikinamangha ng buong mundo.
Sinabi ni De Castro na ito ang dahilan kung bakit karapat
dapat lamang na pagsilbihan ang mga Pilipino at ipagmayabang
ng walang alinlangan.
“Kahit kailan ay hindi ako nagduda sa kakayahan ng ating
lahi. Likas sa mga Pilipino ang pagiging matapang, matiyaga,
malakas at may tiwala sa Diyos,” ani De Castro.
Ikinagalak naman ni De Castro ang pahayag ng mga
mountaineers na ang kanilang pagtungo sa Mt. Everest
ay isang maliit na kontribusyon para sa pagkakaisa ng mga
Pilipino.
Aniya, sana
nga ay magsilbing magandang halimbawa ang mga mountaineers,
kabilang na rin si Romeo Garduce na parating na rin sa
tuktok ng Mt.
Everest,
para sa lahat ng mamamayan.
“Ang mga mountaineers na ito ay dapat magsilbing magandang
halimbawa sa lahat ng Pilipino nang sa gayon ay marating na
ng Pilipinas hindi lang ang tuktok ng Mt. Everest kundi pati na rin ang
inaasam na
rurok ng kaunlaran,” dagdag pa
ni De Castro.
©
Copyright
2005
Office of the Vice President (OVP)
Management Information Services
Division (MISD). All rights reserved.
|