CARDINAL
ROSALES, PINALIWANAGAN NI KABAYAN
17 May 2006
SINAGOT ni Vice President
at Housing and Urban Development
Coordinating Council (HUDCC) concurrent chairman Noli ‘Kabayan’ De
Castro ang
mga apela ni Archbishop Gaudencio Rosales ukol sa umano’y mga suliranin
ng mga
informal settlers na nailipat sa iba’t-ibang relocation sites.
Sa kanyang liham sa arsobispo, pinaliwanag ni De Castro na
habang kanyang batid ang paghihirap ng mga apektadong pamilya, hindi
naman
aniya tumitigil ang government housing sector sa pghahanap ng solusyon
sa
kanilang hinagpis.
Bago pa man magsimula ang relokasyon ay nakipag-diyalogo na
si De Castro sa mga stakeholders kabilang ang mga multi-lateral
organizations,
pribadong sector, non-government organizations, peoples’ organizations
at
mismong ang mga benepisaryo upang maibsan epekto ng relokasyon sa mga
naturang
pamilya.
Matapos ang malalim na pag-aaral sa mga maaaring gawin,
naging kumbinsido si De Castro na ang in-city resettlement at
beneficiary-led
development ang pinakamagandang paraan para mailipat ang mga pamilya
mula sa
North at South rails.
“Inutusan ko ang mga ahensiya na aking kinasasakupan na
siguraduhing mailantad at mapaliwanag ng mabuti ang paraan na ito sa
mga
benepisaryo dahil sila ang maaapektuhan ng mga ikikilos,” ani De Castro.
Pinaliwanang ng pangalawang pangulo kahit may iba’t-ibang
pananaw, naging maayos ang pakikipagtrabaho ng government shelter
sector sa
ibat-ibang organisasyon upang matulungan ang mga pamilya. Kabilang dito
ang
Homeless Peoples’ Organizations sa tulong ni Fr. Atilajano Fajardo, CM
ng
Vincentian Missionary), ang diocese ng Malolos sa tulong ni Fr. Dennis
Espejo
at Fr. Vince Reyes, ang Gawad Kalinga sa pangunguna ng executive
director nito
na si Tony |Meloto at ang UN Habitat.
“Nakakalungkot nga lamang na meron ilang grupo na bumulong
sa arsobispo ng mga isyung pinagbali-baliktad, inaccurate, at wala sa
tamang
konteksto,” ani De Castro.
“Kailan man ay naging pinakamahalaga para sa gobyerno ang
kapakanan ng mga nailipat na pamilya. Lahat ng tulong ay aming
ibinibigay upang
mapagaan ang kanilang kalagayan’” dagdag pa niya.