PABAHAY
PARA SA KAPULISAN SINUPORTAHAN NI VP NOLI
16 May 2006
HINIMOK ni
Vice-President and Housing
and Urban Development
Coordinating Council (HUDCC) concurrent chairman
Noli 'Kabayan' De Castro ang kapulisan na pangalagaan
ang mga bahay na ipinagkaloob sa kanila ng gobyerno
katulong ang mga non-government organizations katulad ng
kanilang pangangalaga sa bayan.
MOA signing by HUDCC, DOF and partner
agencies. Preparations for the housing project in San Miguel,
Bulacan are underway after the recent signing of the Memorandum of Agreement by
the Housing and Urban Coordinating Council, headed by Vice President Noli
“Kabayan” De Castro and the Department of Finance with partner agencies for the
project, namely, the National Housing Authority, Bangko Sentral ng Pilipinas and
the Manila Banking Corporation. The housing project is intended to benefit
government employees, teachers and the police force. Present were: Federico
Laxa, General Manager, National Housing Authority, Atty. Rene Carreon, Bangko
Sentral ng Pilipinas, Vice President Noli De Castro, Roberto Tan,
Undersecretary, Department of Finance, Dave Puyat, Director, Manila Banking
Corp., and Atty. Benjamin Yambao, Director, Manila Banking Corp. (5/15/06)
Sa MOA
signing ng Pulis Kalinga Macabulos Pilot Housing
Project sa Camp
Macabulos,
Tarlac kamakailan, sinabi ni
De Castro na ang naturang pabahay ay isang patunay na
hindi pinababayaan ng gobyerno ang tungkulin
nito na mabigyan ng mahahalagang pangangailangan
ang mga miyembro ng Philippine
National
Police (PNP).
Bagamat
naunang nabigyan ng pabahay ang mga naninirahan
sa riles, sinabi ni De Castro na nakahanay sa mga
prayoridad ng pamahalaan ang pabahay ng mga pulis at
sundalo pati na rin ang iba pang mga government
employees tulad ng mga guro.
"Nagkataon
lamang na may mahalagang proyekto ang pamahalaan
sa railway system ng bansa kung kaya't naunang
asikasuhin ang mga maapektuhan nito sa ating mga
riles," ani De Castro.
Ibinunyag
ni De Castro na ang housing project ay konsepto ng
PNP sa
pamamagitan ng personnel housing assistance
program nito sa tulong ng Gawad Kalinga. Aniya,
sinuportahan ito ng gobyerno sa pamamagitan ng Proclamation
No. 607 na pinirmahan naman ni Pangulong Gloria Macapagal
Arroyo. Ang 6.28 ektaryang lupa na gagamitin
sa proyekto ay itinakda ng naturang proklamasyon,
dagdag pa ni De Castro.
Sinabi rin
ni De Castro na ang pagdebelop ng lupa ay popondohan
ni Congressman Noynoy Aquino sa halagang P3.136
million samantalang ang 50 bahay ay inisponsor naman ng
Gawad Kalinga sa pakikipagtulungan ng Tarlac local
government, PNP at National Housing Authority (NHA).
Gayundin,
magbibigay din ng donasyon sa halagang P6 million ang
AFSLAI para sa paggawa ng karagdagang 200 bahay
na magkakahalaga ng P60,000 bawat isa.