MAS
MABABANG REMITTANCE
CHARGES
PARA SA OFWS HINILING NI VP NOLI
08 May 2006
HINILING kahapon ni Vice
President at Palace Adviser for
Overseas Filipino Workers (OFWs) ang mas mababang singil
ng mga bangko sa mga perang padala ng
mga OFWs.
Vice
President and Palace Adviser for OFWs Noli ‘Kabayan’ De Castro has urged
banks to further lower remittance charges for OFWs and to establish more
remittances centers abroad. Seen above is De Castro listening to the problems of
an OFW in Kuwait during his trip last March.
Bukod dito, umapela rin ang bise president na damihan pa ang
mga bangko kung saan maaaring idaan ang mga remittance ng OFWs dahil na
rin
dami ng nagpapadala ng pera sa kani-kanilang pamilya dito sa Pilipinas.
Ayon kay De Castro, mas malaki ang mapapadalang pera ng mga
OFWs sa kanilang pamilya kung bababa pa lalo ang singil sa remittance.
Sa
ganitong paraan, mas gagamitin din ng mga OFWs ang mga pormal na paraan
ng
pagpapadala ng pera kesa piliin ang black market.
Base na rin sa rekord ng Bangko Sentral ng Pilipinas,
umaabot sa 2.9 percent ang singil ng mga bangko kapag nagpapadala ang
mga ito
ng pera mula sa US papunta dito sa bansa samantalang 2.75 at 2.18
percent naman
kapag galing ng Kuwait at United Arab Emirates.
"For example, nasa P600 ang binabayad ng isa nating OFW
kung magpapadala siya ng $400 remittance
mula sa US
hanggang dito sa bansa. Pero mas mababa pa rito ang sinisingil ng mga
black
market kaya naman dito nila pinapadaan ang kanilang mga perang padala,"
ani De Castro.
Vice
President and Palace Adviser for OFWs Noli ‘Kabayan’ De Castro has urged
banks to further lower remittance charges for OFWs and to establish more
remittances centers abroad. Seen above is De Castro discussing various problems
and concerns with some members of the Filipino community in Kuwait during his trip
last March.
Kasabay nito, nakita rin ni De Castro ang suliranin ng mga
OFWs ukol sa kakaunting bilang nga mga bangko na nagsisilbi para sa
kanilang
mga remittances. Aniya, mas makakabuti kung may mas malawak na
international
banking network ang sasalo sa mga remittances ng mga OFWs na nasa
iba't-ibang
bansa.
"Sa ngayon kasi, kailangan pang tawarin ang mga bayan
ng isang bansa para lamang makapagpadala ng pera sa kanilang mga
pamilya. Sana
naman ay maresolba
ng ating mga bangko ang problemang ito," paliwanag ni De Castro.
Sinabi ni De Castro na ang kanyang panukala ay parehong
pakikinabangan ng OFW at ng mga bangko dahil bukod sa mas maraming
perang
tatanggapin ng mga pamilya dito sa bansa, dadami rin ang tatangkilik sa
serbisyo ng mga bangko na ikalalago naman ng kanilang negosyo.
Sa kabila nito, pinapurihan ni De Castro ang mga OFWs dahil
sa kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa nuong nakaraang taon
kung kailan
sumigla ang remittances ng 25 percent sa halagang $10.8 bilyon.