PABAHAY PARA SA SCOUT RANGERS SISIMULAN NA NI KABAYAN
27January
2006
Sisimulan
na ng Housing and Urban Development
Coordinating Council (HUDCC) sa
pamumuno ni
Bise Presidente Noli “Kabayan” De Castro ang proseso para mabilis na
maipatayo
ang First Scout Rangers Village Housing Project sa Camp Tecson, San
Miguel,
Bulacan.
Agreement signed for
Scout Rangers Housing Project. Vice President Noli
“Kabayan” de Castro
applauds the formal turnover of the signed Memorandum of Agreement
between Dave
Puyat, Director, Manila Banking Corporation, and General Danilo Lim,
Commanding
General, First Scout Ranger Regiment. The Agreement provides for the
development of a 50-hectare land area donated by the Manila Banking
Corporation
and the Puyat family for the housing needs of officers and enlisted men
of the
AFP-First Scout Ranger Regiment (AFP-FSRR) through its Scout Ranger
Multi-Purpose Cooperative. The project, which will be known as
the First
Scout Ranger Housing
Village,
will benefit
1,476 officers and personnel of the AFP-FSRR. Looking on are
Benjamin
Yambao, President, Manila Banking Corporation, Atty. Romulo Fabul,
Commissioner, Housing and Land Use Regulatory Board, and San Miguel
Mayor Pop
Buencamino (partially hidden). (photo by:
Patricio Roel Pira)
Ito
ang sinabi ng Bise Presidente matapos lagdaan sa loob mismo ng kampo
ang
Memorandum of Agreement sa pagitan ng Manila Banking Corporation, HUDCC, Department of
Budget and Management (DBM), National
Housing Authority
(NHA),
First Scout Ranger Regiment Multi-Purpose Cooperative (FSRRMPC) at
Pag-IBIG
Fund para sa nasabing proyekto.
“Kami
po sa HUDCC ay
makikipagtulungan sa Manilabank
para maisaayos ang
pagsasalin ng
lupa sa NHA, na siyang mamamahala
sa pagde-develop nito,” ani Kabayan.
Ang Manilabank
at pamilya Puyat ay libreng nagkaloob ng 50-hektaryang
bahagi ng
lupang pag-aari ng bangko para patayuan ng proyektong pabahay para sa
mga
tauhan ng First Scout Rangers.
“Napakalaki
po ng papel ng ating partner mula sa private sector, dahil kalahati ng
proyektong ito ay nasolusyunan ng kanilang donasyong lupa, kaya malaki
po ang
pagpasalamat natin sa Manilabank
at sa Puyat family” ayon pa sa Bise
Presidente.
Sinabi
ni Kabayan na sa paglalagda ng kasunduan ay pormal nang sisimulan ng NHA
sa ilalim ng superbisyon ng HUDCC
ang proseso ng bidding para sa
pagpili ng
pribadong developer na magsasagawa ng proyektong ito sa pamamagitan ng
isang
joint venture program.
Maglalaan
ang DBM ng P200 milyong pondo
para sa pagdedevelop ng nasabing
proyekto,
samantalang ang Pag-IBIG Fund
naman ay magbubukas ng special window
para sa
mabilisang pagpoproseso ng housing loan ng mga kwalipikadong
benepisyaryo mula
sa First Scout Rangers.
Ayon
din kay De Castro, ang proyektong ito ang pinakabago sa mga isinasagawa
ng
gobyerno para sa mga sundalong Pilipino.
May
mga proyektong pabahay din ang HUDCC
at Department of National Defense
sa
Cagayan de Oro, Camp Aquino sa Tarlac, Camp Tinio sa Cabanatuan, Camp
Riego de
Dios sa Cavite,
Fort Del Pilar sa Baguio, Bonifacio Heights sa Taguig, at Fort
Magsaysay sa
Nueva Ecija.
"Tuloy-tuloy pa rin ang pagpoproseso para
maiproklama ang bahagi ng ilan pang lupa ng gobyerno bilang off-base
housing sites. Kaya may balita man o wala tungkol sa kudeta,
gagawin pa rin namin ang tungkulin na mabigyan ng pagkakataon ang mga
sundalo ng bayan na magkaroon ng bahay at lupa." dagdag pa ni Kabayan.