Ms. Ronadale Zapata
83321148/8334507
VP
NOLI’S REACTION RE MS. LOREN LEGARDA’S ALLEGATIONS:
19 August 2005
Kilala ko si Loren at kilala niya rin ako.
Matagal din kaming nagkasama
sa propesyon ng pamamahayag. Kaibigan at kumare ko siya at hanggang ngayon ay
kaibigan ang turing ko sa
kanya. Alam niya na wala akong kapasidad na gumawa ng kanyang ibinibintang sa akin
na magmamanipula o magsasagawa
ng anumang “scheme” para
hadlangan ang katotohanan. Alam niya na hindi ako ganoong klaseng tao. Inuulit ko na
kumpiyansa ako na mananaig sa
huli ng walang pagdududa na ako ang inihalal ng taumbayan bilang Pangalawang
Pangulo. Kaya nga sa simula pa
lamang ng protesta ni Loren, inatasan ko na ang aking mga abugado na madaliin
ang pagresolba ng kaso – para
sa ikabubuti ng lahat, pati na ni Loren, upang malaman talaga kung sino ang
tunay na may mandato ng
bayan.
Sa mga ginagawa ni Loren ngayon,
hindi ko maintindihan kung bakit naghain pa siya ng kanyang protesta sa Presidential
Electoral Tribunal. Malinaw sa
kanyang pagpapaigting ng “trial by publicity” ng kanyang protesta, na
inuundermine niya ang
kakayahan ng PET na iresolba ang kaso ng walang kinikilingan. Sana ay galangin ni
Loren ang jurisdiction at
kapangyarihan ng PET at hayaan na niyang magtuloy ang paggulong ng
hustisya. She is doing an
injustice to the Filipino people by not letting the constitutional process work
to find the truth.
Ref no. VPMEDIA 05-108
©
Copyright
2005
Office of the Vice President (OVP)
Management Information Services
Division (MISD). All rights reserved.
|